Viral ngayon sa social media ang ginawang pagsugod ng isang lalaki at mga anak nito sa isang pari sa Pampangga na umano’y kaapid ng kanyang misis.
Sa naturang video, makikita na sinira ng mister sa harapan ng pari ang larawan nila ng kanyang pamilya. Dahil sa pakikiapid nito sa kanyang misis ay sinira umano nito ang kanilang buong pamilya.
Ayon sa ulat, ang naturang pari at ang babae na isang doktora ay magkababata. Madalas umano na nagvo-volunteer ang misis na ito ng lalaki sa simbahan kaya madalas na magkasama ang mga ito.
Hanggang isang araw, nahuli ng naturang lalaki ang kanyang asawa at ang pari nang minsang magpunta sa kanilang bahay ang huli. Kinabitan umano nito ng CCTV ang kanilang kwarto kaya nahuli nito ang ginawang pagtataksil sa kanya ng kanyang misis at ng pari.
Sa video, makikita na dala na rin ng mister ang gamit ng kanyang asawa at ibinigay ito sa pari. Galit na galit ito rito habang patuloy pa rin na sinisira sa harapan ng pari ang kanilang larawang magpamilya.
“Ayan po ang family picture namin, kasi sira na po. Ngayon po, ito po ang mga damit ng misis ko. Ito po at iiwan ko na po ang misis ko sa iyo. Pero pakiusap ko po sa iyo, Father, na huwag n’yo pong sasaktan ang misis ko…
“Wala na pong sorry kasi wala na po. Eto na po iyon, oh… Pamilya po ang sinira n’yo. ‘Yung mga anak ko po naapektuhan. Ang pari na ito ay ahas! Sa halip na tulungan ang asawa ko, ginamit pa niya.
“Nagsasabi ka pa naman ng “Though shall not covet thy neighbor’s wife.” Nakakahiya kayo!” ang nanggagalaiting saad pa ng mister sa pari.
Kasama rin ng lalaki sa pagsugod sa naturang pari ang kanilang mga anak na hindi rin napigilan ang galit dito. Ani ng mga ito, gusto umano nilang maalis sa serbisyo nito ang pari.
Samantala, nakaupo lamang sa tabi at walang imik ang doktora habang patuloy pa rin ang paglabas ng galit sa pari ng kanyang mister at mga anak. Hindi ito kumikibo o nakisali sa paglalabas ng galit ng kanyang pamilya sa kanilang ginawa.
Ayon naman sa isang ulat ng News5, mula nang maging viral ang naturang video ay umalis na umano sa simbahan ang pari. Sinimulan na rin umano ang imbestigasyon para sa kaso nito ngunit, opisyal na itong tinanggal sa kanyang parokya.
Agad naman na umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang naturang viral video. Dito, sang-ayon ang marami sa malaking pagkakamali na nagawa ng pari kaya dapat lamang din daw itong parusahan.
Kung tutuusin, hindi umano ito ang unang beses na mayroong ganitong pangyayari kung saan sangkot ang isang pari. Kaya naman, hindi na umano bago ang balitang ito para sa marami bagama’t nakakalungkot na mayroong isang pamilyang nasira dahil sa ginawa nito.
Gayunpaman, mayroong inihayag na paalala ang iba tungkol sa panghuhusga sa pari at sa simbahan. Ayon sa mga ito, hindi umano ibig sabihin na mayroong isa na gumawa ng mali ay mali na rin ang lahat ng pari at ang simbahan.
Source: Kiat Media
0 Comments