Trending ngayon si Ellen Adarna sa social media matapos ang kanyang prangkang pagsagot sa tanong na hindi niya nagustuhan galing sa netizen sa isang Instagram post.
Nagbitiw ng kanyang statement ang aktres sa kanyang Instagram post sa kanyang Question and Answer (Q&A) segment matapos isang nagpakilalang taga Mindanao ang sinabing sa lugar nila, maganda lang daw pag naka make up.
Diri sa amoa sa Mindanao, basta ikaw maka make up “Gwapa raman nag nay make-up” (Dito sa amin sa Mindanao, kapag naka make up ka, “Maganda siya kasi meron siya make-up),” tanong ng netizen kay Ellen Adarna.
Agad naman sinagot ni Ellen na okay lang kahit naka make-up at least maganda pa rin siya kahit walang make-up.
Dagdag pa niya, merong iba na gumagamit ng make-up at kahit anong pilit nila at anong gawin nila para magmukhang maganda, wala pa ring epekto ang make up. Pangit pa rin. Ito ang pabirong sagot ni Ellen sa netizen.
Ang mga dating advices at life advices ni Ellen Adarna ay naging viral matapos ang kanyang mga Instagram stories na sasagutin niya ito ss patawang paraan ngunit may sense naman.
“If the guy keeps coming back after he ghosted you several times, what does it mean?
Ellen Adarna: If the guy keeps coming back, then you deserve to be ghosted. A million times.
“What is your advice sa mga taong di naka move on? Maglisod og dawat nga gibulagan/biyaan sila (Nahihirapang tanggapin na hiniwalayan at iniwan na sila?)
Ellen Adarna: Well, the first step is acceptance and acknowledging it. If you can’t accept, then di nata magstorya og move on (hindi na natin pag-uusapan ang pagmo-move on)
“Are you comfortable with being single?”
Ellen Adarna: Well really dzai, katong mga times na single ko. Mao gyud to ang times na malipayon kaayo ko. Wa koy stress. Wala koy problema. You know relationship, it’s hard. So, mao na, okay ra (Well talaga dzai, nung mga times na single ako. Yung yung times na sobrang saya ko. Wala akong stress. Walang problema. Alam mo, relationship, mahirap. So ayun, okay lang)
Naging trending din ang relasyong Ellen at Derek Ramsay matapos ang hiwalayan ni Derek at Andrea Torres. Marami sa mga netizen ang nagtaka at nagulat sa agarang relasyon ng dalawa at pinag-iingat si Ellen dahil sa mga naging karelasyon ni Derek na hindi nagtagal.
Kamakailan lang ay viral din ang ginawang surpresang proposal ni Derek kay Ellen noong March 30, buwan ang nakalipas matapos nila sinabi sa publiko na sila ay officially together.
“Game over” sulat ng aktres sa kanyang caption noong March 30 habang ipinapakita ang kanyang giant sparkler sa kanyang kamay. Nag share din ng mga photos ang aktres tungkol sa kanilang engagement ni Derek Ramsay.
Makikita sa ilan sa kanilang mga larawan na labis na nasorpresa si Ellen at napaiyak siya sa isang giant neon light na may nakasulat na “Will you marry me?”
Si Ellen Adarna ay isang Cebuanang aktres, endorser at model. Galing sa isang pamilya ng mga businessman at bali balita na marami silang own-real estate business at motels na may branches sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Metro Manila.
Source: KAMI
Source: Kiat Media
0 Comments