Birthday Boy sa Bulacan, Hindi Children’s Party ang Gusto Para sa Kanyang 7th Birthday

Isa sa pinakamasayang araw sa ating buhay ay kung kailan ipinagdiriwang natin ang ating kaarawan. Nitong araw na ito una nating nasilayan ang mundo kaya ganun na lang din tayo labis na nagpapasalamat sa Panginoon at sa mga magulang natin.

Maraming mga ideya at istilo ng pag celebrate ng kaarawan. Maaaring ang iba ay magpapa party lalong lalo na pag bata ang nag celebrate ng birthday.

Maiba tayo sa isang bata sa kanyang pamamaraan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan na mula sa bayan ng Bulacan ang nagdiwang ng kanyang 7th birthday na ninanais sa kanyang kaarawan na makatulong sa ibang tao. 

Naisipan ng isang batang nagngangalang Andreu na sa halip isang birthday party ang mangyari sa kanyang birthday, pinili niyang gumawa ng kanilang community pantry.

Suot ang Spiderman costume, masayang nagdiwang ng kanyang birthday ang bata kasama ang kanyang mga magulang. Isang napaka good vibes ang ipinakita ng bata sa kanyang ginawa dahil na lamang nasa panahon tayo ng pandemya. 

Sa isang Facebook post ni Trish Peñaflor,  makikita na ang birthday celebrator ay naka antabay sa pamimigay ng essential goods na kanilang ipinamahagi sa ibang tao na galing mismo sa kanilang pantry. 

Sa Panayam kay Trish sa Manila Bulletin, sinabi niya rito na bihira lang ang mga batang masaya sa ganitong klaseng selebrasyon. Karaniwan sa mga bata ay gusto ang Children’s party at bonggang handaan.

“Nakakatuwa kasi bihira sa bata magenjoy ng ganyan, wala lang kaming picture nakatanggal mask…kasi safety protocols din (It’s heart-warming because it’s rare for children to enjoy that kind of activity. We didn’t have pictures not wearing face masks due to safety protocols),” sabi ni Trish na childhood bestfriend ng mama ni Andreu.


Dagdag pa niya, ang Spiderman costume na suot ni Andreu ay nagsilbing kanya ring Personal Protective Equipment (PPE) at nag upload din siya ng mga photos sa Facebook.

Madalas kasi kapag bata, dapat pambata rin ang klase ng selebrasyon. Hindi mawawala ang laruan at mga pambatang pagkain na nagpapasaya ng mga bata sa kanilang kaarawan. 

Sinabi ng mga magulang ni Andreu na aware ang kanilang anak sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa ating bansa at ang ideya na mag set up ng community pantry para makatulong sa ibang tao.

Palagi siyang nanonood ng balita at kaya nagka ideya siya sa mga community pantries na laganap na sa iba’t ibang lugar ng ating bansa.

“So instead of a party, he wanted to help others affected by the pandemic [by setting up a pantry]. We, as a family, agreed that it is a good idea also and we’re also glad about it,”sabi ng mga magulang ni Andreu.

Ang mga nakuhang photos sa selebrasyon sa birthday ni Andreu ay umani ng mga papuri at magagandang komento galing sa mga netizen.

“Yung mga ganito, ramdam mo yung kabutihan ng isang tunay na pagbibigay sa murang isip, bukas na ang puso nya sa pagtulong sa kapwa. Napaiyak ako sa kasiyahan sa batang ito, mas pinili nya ang tumulong sa higit na nangangailangan (You’d really feel his kindness because at his age, he has a heart to help people. I cried out of sheer happiness. This kid chose to help people in need),” a certain Eva Grefiel said. “Happy birthday little boy. I salute you.

“Matatalino mga bata ngayon, marunong gumamit ng social media, so I guess isa din talaga sa naging way ‘yon [para ma-inspire sya] (Kids nowadays are smart. They know how to use social media. So I guess, that’s one of the reasons he was inspired in setting up a community pantry)” dagdag ni Trish.

Andreu’s community pantry ay naganap noong Abril 28 sa Palmera Homes, Barangay Kaypian, San Jose del Monte.

Source: MB

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments