OFW na Na Scam ng Kanyang Ex Girlfriend ng 1.8 Million, Hindi Uurungan ang Kaso; Babae, Pinaghahanap na Ngayon ng mga Awtoridad

Usong uso na ngayon ang mga panloloko at mga scam na kalat na kalat sa social media. Para sa mga OFW, mahalaga ang kanilang bawat sakripisyo dahil sa umano’y ginagawa nila ang lahat para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Para sa isang magkasinatahan, ang pangingibang bansa ay napakalakinhgh sakripsiyo na para sa kanila dahil handa silang malayo sa kanilang significant other matupad lang ang kanilang mga pangarao.

Ngunit sa kasong ito, kakaiba ang nangyari sa isang lalaki na Overseas Filipino Worker (OFW) dahil na scam siya mismo ng sarili niyang girlfriend. 

Dahil sa labis na pagmamahal, ipinagkatiwala ng lalaking nagngangalang Ryan Katigbak ang kanyang peran naipon sa kanyang nobya para sa kinabukasan at pinaplano nilang kasal. 

Matapos nalaman ni Ryan na niloko siya ng kanyang girlfriend, agad itong dumulong sa programang Tulfo upang ireklamo ang nalimas na pera ng kanyang dati na ngayong nobya na nagkakahalaga ng 1.8 million.

Kaya naman labis na lang ang kanyang hiling na maibalik na ang pera sa kanya dahil hindi biro ang kanyang paghihirap abroad para lang maipon ang ganun kalaking halaga. 

Sa sinabi ng kanyang ex-girlfriend, nabudol daw siya sa kanilang driver at dinidiktahan lamang siya ng driver kung ano ang gagawin niya na tila bang parang nagayuma. 

Hinala na noon ni ryan na may relasyon si Kristine, ang dati niyang nobya at ang kanilang driver. Hindi raw kanpani-paniwala ang mga rason na ibingay ng kanyang dating nobya sa kanya.


Sa panayam niya sa programang Tulfo, sinabi niya na labis lang daw ang kanyang pagtitiwala sa kanyang ex girlfriend.

“Kasinatahan ko po siya, nagtiwala lang po ako. Mag iipon kaming dalawa para po sa future po namin na para sa kasal po,” sabi ni Ryan kay Tulfo.

Sa kabilang linya, iginiit naman ng kanyang ex girlfriend na nabiktima lang siya. Nabudol daw siya at nagayuma. 

Agad naman binigyan ng palugit ang babae na maghanda siya  hanggang Biyernes ng P500,000 down at P900,000 installment dahil kung hindi tuloy na tuloy na ang kaso. Maari siyang kasuhan ng ESTAFA.

Nang simulan na ng programang Tulfo ang imbestigasyon sa kaso, nalaman na lang nila ni ryan na nagatago na yung babae.


Tinanong din ng team tulfo ang tatay ni Kristine kung saan ito naroroon. Sinabi naman ng kanyang tatay na hindi nila alam ang kinaroroonan ng kanilang anak dahil bigla nalang daw ito umalis ng bahay. 

Ani ng kanyang ama na biktima lang daw ang kanyang anak. Hindi daw ginastos ng kanilang anak o nilaspag ang perang naipon nila ni Ryan para sa pansariling kagustuhan.

Itinaggi naman ng kanyang ama na hindi magkasama ang kanilang anak at ang driver nila ni Ryan noon. 

Nagbigay din ng mesahe ang ama ni Kristine tungkol sa pangyayari. 

“Ah Ryan kami po ay nagmamakaawa sa iyo na pera na nakuha ng aking anak ay siya po ay naging instrumento at kasangkapan dun sa pangyayaring yun.”

Sana namay maunawaan mo,” mensahe ng ama ni Kkristine kay Ryan.

Sa kasalukuyan, sinabi ng ama ni Kristine na wala pa silang perang pambayad kay Ryan ngunit nangako naman ito na babayran nila.

Sabi rin sa isang authority na hawak ang kaso ni Ryan, napakaimposible na na withdraw ng babae ang pera ni Ryan dahil kay Ryan nakapangalan hindi sa babae. Ani niya, mas lalaliman pa ang imbestigasyon para makuha na ni Ryan pabalik ang kanyang pera.

Sa ngayon, hindi pa nahanap ang lugar kung saan naroroon si Kristine. Patuloy pa ang mga awtoridad sa paghahanap sa kanya. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments