Hindi biro ang naramdaman ng isang netizen matapos ibinahagi niya sa kanyang Facebook account ang screenshots ng conversation niya sa isang nagpakilalang lalaki na magbibigay ng donasyon sa kanya para sa ama niyang may sakit.
Bago nangyari ang lahat nagbahagi si Jayvee Buracan ng kanyang post kung saan siya humingi ng tulong sa pagpapagamot ng kanyang ama na may sakit. Ginamit niya ng social media upang matulungan siya.
“Magandang araw po, siya po ang aking ama na si Ernesto Buracan. Kami po ay kumakatok sa inyong busilak na puso na sana kami ay inyong matulungan sa abot ng inyong makakaya para sa kanyang pagpapagamot,” sabi ni Jayvee sa kanyang Facebook post.
“Dahil hindi po sapat ang pag araw araw namin dahil sa hina ng byahe ng tricycle at ako po ay nag aaral kung kayat hindi sapat ang oras at kinikita ko sa araw araw,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Jayvee na maaaring ipadala ang donasyon sa pamamagitan ng gcash sabay paglagay ng kanyang phone number sa mismong post niya.
Sa ibinahagi niyang post na conversation nila ng isang lalaki na willing daw siyang tulungan, hindi aakalain ni Jayvee na labis na pagsisisi ang kanyang nararamdaman.
Isang lalaki ang nag message sa kanya at nagpakilalang willing siya tulungan para sa pagpapagamot ng kanyang ama. Nabanggit pa ng lalaki na magpapadala umano siya sa gcash mula sa kanyang BDO account kung nasaan ding ang lalaki sa mga oras na iyon.
“Hello sir good morning willing po ako magsend ng kunting cash para sa father nyo,” chat message ni Christian Perez, ang lalaking nagpakilalang tutulong sa kanya.
Una ay tinanong ng lalaki kung may BDO account ba si Jayvee at dahil wala siyang account, hiningi nito ang kanyang Gcash account. Iginiit pa ng lalaki na pwede naman daw mag send ng cash mula BDO account to Gcash.
Kailangan lang daw ang verification galing kay Jayvee para matanggap niya ang ipapadala ng lalaki.
“Need lang ng head ng verification galing sa inyo. May marerecv daw po kayo sir na authentication code para sa pag verify ng BDO para makapag transfer ang head, sabi ng lalaki sa kanilang chat.
Agad naman binigay ni Jayvee ang kanyang personal details at palagi siyang ini-update ng lalaki sa mga authentication code para matanggap na talaga ang pera.
Huling message ng lalaki na kailangan i-check ni Jayvee ang birthday niya at email sa ginamit na Gcash. Pagkatapos noon ay hindi na sumagot ang lalaki at laking gulat na lang niya na “zero” na ang balance ng kanyang Gcash.
Labis ang pasisisi ni Jayvee dahil nalimas ang mahigit P15,000 na naipon niya para sana sa pagpapagamot ng kanyang ama.
“Bakit ako pa? Sa dinami dami bat ako pa. Pakitulungan ako please. Paki trace po yung number…” sabi ni Jayvee sa kanyang updated post.
Humingi ng tulong si Jayvee sa mga netizen na kung sino man ang may alam kung paano mag trace ng number ng naturang lalaki na nagnakaw ng pera sa kanyang Gcash account.
“Kung sino man marunong mang trace ng no. Please pakitulungan po ako,’ ani ni Bucaran.
Source: Kiat Media
0 Comments