Dalawang Lalaki, Lumangoy ng Dalawang Oras sa Dagat para Makahingi ng Rescue “Young Heroes”

Isang panibagong kwento ang kumakalat ngayon sa social media matapos nagpakita ng kabayanihan ang dalawang lalaki sa kalagitnaan ng peligro at walang kasiguraduhan kung makakahanap pa ba ng tulong o hindi.

Mayo 7, ala-una ng hapon, pauwi na sana sa Balut Island sa munisipyo ng Sarangani, Davao Occidental ang mga pasahero ng bangka nang bigla silang nasiraan ng makina. Nasa kalagitnaan sila ng Sarangani Strait at malayo pa sila sa dalampasigan ng mga oras na iyon. 

Dahil wala na silang ibang paraan pang nakikita para makahingi ng tulong, hindi nagdadalawang isip ang dalawang lalaki na sina Pelindo Engkong at Jerick Mabuka, 14 at 15 taong gulang na na lumangoy para makarating sa dalampasigan ng Barangay Konel upang makahingi ng saklolo.

Walang life jacket at tanging mga piraso ng ice box lamang ang kanilang naging alalay sa paglangoy.

Wala rin namang masamang nangyari sa dalawang lalaki at nakarating din sila sa dalampasigan. Agad naman sila pinatuloy ng isang pamilya. Pinakain sila at pinainom ng mainit na gatas. 

Sa tulong ng pamilya, unti-unting naligtas ang iba pang mga pasahero na naiwang palutang lutang pa sa gitna ng karagatan sa mga oras na iyon. Siyam lahat ang sakay ng bangka kung saan may mga senior citizens at mga bata.

Dalawang oras naglangoy-langoy ang dalawang lalaki para lamang marating ang dalampasigan at makahingi agad ng rescue.

Dahil dito, labis na lamang ang pasasalamat ng mga pasaherong nakasakay sa bangkang iyon, hindi biro ang ginawang sakripisyo ng dalawang lalaki para mailigtas lamang ang iba pang nakasakay sa bangka.

Labis ang kanilang papuri at pasasalamat sa dalawang lalaki na tinagurian nila bilang mga “Young Heroes” Isa na rito sa naging proud ay ang kamag-anak ni Pelindo Engkong na si Aphro Dite na nag post kung gaano siya ka-proud sa dalawa. 

Ibinahagi niya ang larawan ng dalawa at sinabing proud siya sa ginawang kabayanihan ng dalawa.

“Maka-proud kayo, boys. Sila ang nagligtas sa kanilang mga kasamahan at kung hindi dahil sa kanilang dalawa hindi na sila makikita pa. Nilangoy nila mula sa kalagitnaan ng Balangonan at Balut papunta sa Barangay Konel para makahingi ng tulong. Dalawang oras silang naglangoy gamit ang ice case na kanilang hawak.”

Hindi biro ang ginawa ng dalawang lalaki dahil kailangan pang labanan ang lakas ng alon para lang makatawid sa dalampasigan. Nagpasalamat din ng lubos ang kanilang kamag-anak sa kaligtasan ng dalawa sa kabila ng peligro na kanilang sinubok.

Hiniling na rin ng mga taga roon na sana ay may nakahanda na life jacket at maliliit na pumpboat operators kung sakaling magkakaroon na naman ng mga aberya at mga hindi inaasahang pangyayari. 

Dapat ay maiwasan na ang ganitong mga sitwasyon at isipin dapat palagi ang kaligtasan ng mga tao.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments