Missing Headpiece: Manny Halasan, Nagulat sa Ginawa ni Rabiya Mateo sa Kanyang Likhang Headpiece

Pasabog ang naging National costume ni Rabiya Mateo para sa prestihiyosong pageant na Miss Universe na ginanap sa Seminole Florida. Suot ng ating kandidata ang kanyang mala ‘Victoria  Secret Model’ na may resemblance sa Philippine flag. 

Marami ang nagulat sa paabot na missing headpiece sa nasabing National costume ni Rabiya. Dahil marami ang hindi nagandahan sa National costume ng ating kandidata, hindi mapigilan ng fashion designer na si Manny Halasan ang kanyang pagkagulat sa ginawa niyang missing headpiece.

Si Miss Universe Philippines National Director, Shamcey Supsup-Lee ang nagdala sa Hollywood, Florida noong May 9, 2021ng “missing piece” sa national costume ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo para sa 69th Miss Universe competition.

Ang talented na fashion designer na si Manny Halasan ang gumawa ng set of jewelries na gagamitin at iteterno ni Rabiya sa Philippine-flag inspired national costume na nilikha ng pumanaw na International fashion designer na si Rocky Gathercole. 

Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi umano nagamit ng kandidata ang pinaghirapang missing headpiece para sa kompetisyon. 

Kung marami ang nagulat sa missing headpiece ng Miss Universe Philippines sa lanyang National costume, mas nagulat at nabigla si Manny dahil buong akala niya ay makikita ng buong mundo ang headpiece na pinagpuyatan niya ng dalawang linggo.

Nalaman na lang ni Manny na hindi nagamit ang jewelries na nilikha niya habang pinanood nila ng kanyang pamilya nitong Biyernes ng umaga (Huwebes ng gabi sa Florida, USA) ang National Costume competition.

"Nung live kanina, nagulat ako nang makita ko sa monitor. Shocked ako at ang family ko.


"Walang update since it flew to the US. Wala na akong idea and ang daming interviews asking for the 'missing piece' since it was announced na ako ang gagawa at may gagawin ako for the National Costume competition," kuwento ni Manny.

Nalaman na rin ng publiko na ang mga kamay ni Manny ang nasa likod ng magandang accessories at jewelries na gagamitin ni Rabiya para sa 6th Miss Universe competition. Kaya ganun na lamang angh kanyang pag trending sa mga search bars sa social media dahil sa kanyang nagawang sun-inspired headpiece para kay Rabiya.

Nagpasalamat naman si Manny ng lubos sa lahat ng mga nakaka-appreciate sa kanya at sa mga taong sumusuporta sa kanya at nagbigay siya ng mensahe para sa lahat.

“Sending love to all. Let us focus on Rabiya. Let us all send her our support and love. Hindi madali ang responsibilities na nasa shoulder niya.

"I’m okey naman po. Hindi pa po time. There is a perfect time…in His Time," sabi ni Manny na may malawak na pang-unawa sa nangyaring insidente.

Naging malinaw na rin para kay Mabby kung bakit hindi nasuot ni Rabiya ang headpiece.

Nitong Biyernes lamang, katatapos lamang ng National Costume competition, gumawa ng LIVE si Rabiya sa kanyang Instagram at sinabi niya roon na nagahol siya sa oras bago siya rumampa sa stage kasi dumanas siya ng minor accident backstage. 

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Manny sa Facebook ang kanyang likhang missing headpiece para kay Rabiya. 

"Looking at the National costume for Miss Universe 2020, I hope to share the vision with everyone. It’s patriotic, historic, triumphant….. victorious.

"It is not just looking at the beauty of the creation onstage but beyond what the eyes can see.

"Each part symbolic of the deep culture and history embellished in it. Carved by the blood of heroes and enriched by our own history and heritage. It is not just colors and symbols… it is Filipino.

"Before, I only dreamed of having my creations appreciated in local pageants and local TV. My heart would burst in happiness to see my friends and family proud.


"It is my way of making my Nanay Norma and Tatay Menong (grandmother and grandfather) proud and alive. That the legacy they left will continue and that I bring them with me in my journey."

Bagamat hindi natupad ang kanyang pangarap na makarating ngayon sa Miss Universe ang kanyang ginawang head piece, idiniin ni Manny na darating din ang tamang panahon para maipakita niya sa mundo ang galing ng Filipino craftsmanship.

"Having been chosen to contribute to the national costume of Rabiya for Miss Universe is a dream come true for every designer. I want to share to everyone that if you believe in your talent, work hard to hone your craft and pray for God’s guidance, there is nothing impossible.

"I always believe in perfect timing. If it is not yet for you, let time and experience make you better and excellent. There is a time for everything.

"During this time of uncertainty because of the pandemic, I want to give to the country in my own way through this contribution. There are a lot of unfortunate events that happened but despite all of these, I want to share that faith that there is hope,” paglalarawan ni Manny sa lanyang likhang missing headpiece. 

Source: PEP


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments