Julia Barretto, Nagsinungaling Nga ba na Hindi Pa Ito Nakakain Kailanman ng Isaw?

Kung matatandaan, minsan ay naging trending ang aktres na si Julia Barretto dahil sa isang vlog kasama ang nobyo nitong si Gerald Anderson. Dito, iba’t-ibang streetfood ang kinain ng dalawa ngunit, naging viral dito ang aktres dahil ani nito ay hindi pa raw siya kailanman nakakakain ng isaw.

Sa naturang vlog ay ilang ulit pang tinanong dito ni Julia si Gerald kung ano umano ang isaw na sinagot naman ng aktor ng “chicken intestine”. Tanong pa nga rito ni Gerald sa nobya,

“Never ka kumain nito (isaw)?”

“Never ever… Only for you,” ang sagot naman dito noon ni Julia.

Ngunit, kamakailan lang ay ilang mga video umano ng aktres ang kumakalat ngayon sa social media kung saan, pinabubulaanan nito ang pahayag ni Julia na hindi pa raw siya kailanman nakakakain ng streetfood na isaw.

Dito, salungat sa kanyang pahayag na hindi pa siya kailanman kumain ng isaw, sa video ay makikita na sarap-sarap ang aktres habang kumakain nito. Hindi lamang ito iisang beses dahil ilang video at larawan ng aktres na kumakain nito ang nadiskubre ng mga netizen.

 Ang isa pa nga sa mga ito ay kasama ni Julia ang dating ka-loveteam niyang si Enique Gil habang ang isa pang video nito ay kasama niya naman ang dati rin niyang on-screen partner na si Ronnie Alonte.

“It’s good,” ang komento pa nga minsan ng aktres habang kumakain noon ng isaw.

Kaya naman, naging trending na naman ang aktres matapos siyang makatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizen. Dito, marami ang natawa na lamang umano dahil sa kasinungalingan na naman daw ni Julia.

Ani ng iilan sa mga ito, sapat na umano ang naturang mga video at larawan para pabulaanan ang huling saad ni Julia tungkol sa hindi niya pag-amin na nakakain na pala ito ng isaw. Saad pa nga ng iilan, hindi raw nila maintindihan kung bakit pati sa naturang bagay ay kinailangan pang magsinungaling ng aktres.

Dahil dito kaya tinawag siya ng ilang mga netizen na umano’y “pasosyal” at “mapagpanggap”. Saad naman ng ilan, baka raw ito dahil ay lamang mayroong “selective memory” ang aktres o di kaya ay sadyang “nakalimutan” lamang ito ni Julia.

Dahil din dito kaya muli na namang naungkat ang walang kamatayang isyu na kinasangkutan nina Julia, Gerald, at Bea Alonzo. Heto nga ang ilan pa sa mga komentong iniwan ng mga netizen tungkol sa aktres na naging trending topic ulit sa social media:



“LMAO julia barretto is THIS U? sis got EXPOSED! tried to look cute for her lil bf and tried hard to act like she never tried street food before. Ya gurl ended up lookin like a clown! i'm embarrassed for u!”

“The pasosyal girls to impress their prospects. I remember so many people.”

“The receipts really be telling everyone how pretentious she is. Simpleng bagay, bakit kailangan i-deny... also, answerable by yes or no lang naman kung nakakain na siya ng isaw. Lol!”

“Hahahahaha aamin siya after 2 years!”

“Ang taba ng utak ng nakahalungkat ng mga photo na ito. Sorry, Julia! Marami ang private investigator dito sa Pilipinas kaya lahat mabubunyag!”

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments