Mainit init pa ang ginawang pagsalita ni Gerald Anderson sa kanyang interview sa ABS-CBN sa kanyang pagsagot sa mga tanong tungkol sa “meeting an ex.”
Tinanong si Gerald Anderson kung anong advice ang ang maibigay kay Tupe (Gerald Anderson) kung sa isang event kung sila ay magkikita ni Rita na ginampanan ng sikat na aktres na si Yam concepcion.
Buong katapatang sinabi ni Gerald Anderson na kapag iyon ay nangyari, sobrang awkward ng sitwasyon. Ngunit sinabi niya na hindi mawawala ang respeto. Nagpahayag din siya ng kanyang opinyon kung ano ang pwedeng gawin sa isang sitwasyon na mayroon pang feelings ang isa sa kanyang naging ex na.
Sa panayam sa kanya ng Star Cinema, tinanong si Gerald kung anong advice ang maaari niyang ibigay kay Tupe, karakter niya sa kanyang pinagbidahang teleserye na Init sa Magdamag.
Nagbigay din siya ng advice sa kanyang sarili na kinakailangang matutong lumayo lalo na kapag ang kasalukuyang partner ng ex ay mahal na mahal nito.
"It's a very awkward situation. Kung sa totoong buhay, you just go back to always remembering na naging masaya kayo and you maintain the respect kahit anuman mangyari," naging sagot ng aktor.
"Lumayo na siya. Nakikita naman niya na mahal ni Peterson si Rita talaga. It’s a very awkward situation," sabi ni Gerald.
"Kailangan physically lumayo ka because 'di mo kakayanin 'yun. Kahit nga 'di mo na mahal, ang awkward,” dagdag pa niya.
+Matatandang hindi daling nawala ang isyu na kinasasangkutan ng aktor tungkol sa kanyang dating girlfriend na si Bea Alonzo na ang pinaghihinalaang dahilan ay third party kaya ganun na lamang ang pag gaslight niya kay Bea.
Marami ang naging espekulasyon sa naging kontrobersyal na hiwalayan ng celebrity couple na tinatangkilik ng marami noon.
Sa kasalukuyan, inamin ng aktor ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Julia Barretto na dati pa lang ay pinaghihinalaan na ng marami na may namagitan sa dalawa.
Sa isang panibago lang na panayam ni Toni Gonzaga sa aktor, inamin nitong iba ang ligaya ang hatid ng kanyag bagong girlfriend na si Julia Barretto kumpara sa mga aging una niyang mga naging nobya.
Nitong mga nakaraan lang, ibinalita ng ABS-CBN na handa si Julia na handa siyang mag turn back sa Showbiz para lang magkaroon ng tahimik na buhay.
Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor na sumikat sa kanyang mga pinagbidahang pelikula tulad ng Sana Maulit Muli, Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo at ang bago niyang teleseryeng Init sa Magdamag.
Napabalitang naging hands-on sa kanyang resort na ipinatayo sa Zambales. Nagpot din siya ng kanyang mga updates sa social media. Sa mga nakitang post, masasabi kakaiba ang ganda at view ng resort na pwedeng pwede doon ka mag relax galing sa isang hectic day.
Source: Kiat Media
0 Comments