Anim na Babaeng Magkakapatid sa Ilo-ilo, Piniling Maging Mga Pulis

Nito lamang Mother’s day, naging viral at marami ang namangha sa anim na magkakapatid na babaeng ito mula Zarraga, Iloilo City na piniling maging mga pulis.

Bilang selebrasyon ng pasasalamat sa kanilang nanay at para na rin sa kanilang tatay, isang photoshoot ang isinagawa ng magkakapatid na Guelos suot pa ang kanilang uniporme bilang mga pulis. Ang mga larawang ito ng magkakapatid na pulis kasama ang kanilang mga magulang ay tinawag naman ng photographer na si Anthony Jimoga-on na “dream photoshoot”.

Pasasalamat ito ng magkakapatid para sa kanilang mga magulang na sina Crispin at Clemencia Guelos na ginawa ang lahat para lamang makapagtapos sila ng pag-aaral. Mula sa pagbebenta ng kung anu-ano, hanggang sa pagsasaka sa bukid, pagiging construction worker at iba pa ay pinasok lahat ng mag-asawa, mapa-aral lamang ang siyam nilang anak.

Nagkaroon pa ng sakit na leukemia si Crispin ngunit lumaban ito at patuloy na itinaguyod ang pamilya. Kaya naman, walang pagsidlan ang tuwa ng mag-asawa na makitang nakapagtapos at may maayos nang buhay ang lahat ng kanilang mga anak.

Anim sa kanilang anak ay babae habang tatlo naman ay lalaki. Lahat ng mga ito ay pawang nakapagtapos sa kolehiyo at propesyunal na. Ang mga lalaki ay may kanya-kanyang propesyon habang bukod-tangi naman sa mga ito ang anim na babae na piniling maging bahagi ng Philippine National Police.

“Despite living in poverty, their parents worked hard as laborers (as construction workers, farmers, vendors, etc.) to send their children to school. Their love was blessed by God with nine (9) wonderful children: 3 boys and 6 girls, all of whom graduated and are now professionals…

“But what’s incredibly amazing is all of their daughters graduated with different bachelor's degrees but possessed brave hearts and strong minds to become successful police officers,” saad pa ng photographer tungkol sa magkakapatid na Guelos.

Ang kahanga-hangang magkakapatid na ito ay sina PEMS Maria Cherry G. Demarana, PEMS Ma. Irene G. Habuyo, PSMS Sharon G. Dalit, PSSG Nerissa G. Federizo, Patrol Woman Era Dawn G. Buot, at PCpl Merry Cris G. Asturias.

Bilang taos pusong pasasalamat sa kanilang mga magulang, ani ng mga ito rito:

“Tatay, Nanay, THANK YOU!”

Ikinamangha naman ng maraming mga netizen ang propesyon ng babaeng magkakapatid na Gueros na piniling maging pulis lahat. Ani ng mga ito, sinuman umano ay hahanga sa mga ito lalong lalo na ang kanilang mga magulang na nagsikap para sa kanila.

Saludo umano ang mga ito sa tapang ng magkakapatid, sa kanilang determinasyon, at sa pasasalamat ng mga ito sa kanilang mga magulang.

Heto nga ang iba pang komento na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa magkakapatid na pulis:

“Sa profession ninyong magkakapatid ngayon ay kahit sinong magulang ay sasaya. God bless you all!”

“One of a kind. I salute the parents! And I salute all their children, they wasted nothing of their parent's sacrifes because all 9 of them are professionals! Galing po!”

“Swerte ng mga magulang na makitang nagtagumpay ang mga anak. Worth it lahat ng pagod at hirap. Saludo po ako sa mga magulang na kayang gawin lahat pra sa mga anak, mapabuti lamang ang kanilang kinabukasan.” 

“Ang galing naman! Saludo ako sa mga magulang na ganun… sa pagsisikap para sa mga anak. Congrats po!”

Source: whereinbacolod


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments