Gladys Reyes, May Nagsalita na Tungkol sa Tsismis na Mineral Water ang Kanyang Pampaligo at sa Kanyang ‘Leg Insurance’

May kumakalat na bali-balitang tungkol sa isang aktres na si Gladys Reyes na talagang kapansin pansin ng mga netizen na siyang naging usap-usapan na sa social media ngayon. 

Ang balitang kumalat ay ang pagkakaroon umani ni Gladys ng insurance sa sa kanyang kegs na talagang pinagkakaguluhan dahil umano sa pagiging flawless nito at pinag-iinitan na ng mga netizen.

Ngunit lahat ng mga akusasyon sa kanya ng kanyang mga netizen ay agad nilinaw ng aktres. Sinabi niya walang katotohanan ang mga paratang at tsismis tungkol sa kanya at sinabi niyang matagal na raw ang tsismis na ito.

Nilinaw din niya ang isyu tungkol sa kumakalat na tsismis na mineral water ang kanyang ginagamit niyang tubig sa tuwing siya ay naliligo. Nilinaw ng aktres na wala ring katotohanan ang mga kumakalat na tsismis.

Aniya, sadyang maingat lang daw ang kanyang nanay ang kanyang kutis simula nang bata pa siya at nadala na niya ang klase ng pag-iingat na ito nang siya ay malaki na at hanggang ngayon na siya ay may edad na.

Sa kanyang paghost sa Orabella Direct Selling Inc. Mediacon, nilinaw ni Gladys Reyes ang ilan sa mga kumakalat na usap-usapan tungkol sa kanya. Kabilang na nga dito ay ang may insurance daw siya sa kanyang legs.

Ayon din sa ulat ng Push, maging ang tsismis na mineral water na ginawa niya umanong pampaligo ay kanya ring nilinaw at pinabulaanan sa harap ng publiko na walang katotohanan ang lahat ng mga ito.

“Hindi po totoo. Chismis lang yun (laughs). At saka hindi rin totoo yung sinasabi nila na naliligo ako ng mineral water, hindi po totoo yun. Chika lang yun,” paglilinaw ni Gladys Reyes.

Dagdag niya, ang kanyang ina umano ang naging maingat sa kanyang balat mula sa ng bata pa siya at nadala na niya ang pag-iingat na ito nang siya ay nagdadalaga at ngayon na may edad na. 

Kumalat din ang post ni Gladys Reyes tungkol sa kanyang ibinahagi na post tungkol sa pagiging masaya niya bilang isang ina nang ipinagdiriwang ang Mother’s Day.

“Celebrate motherhood, make Mothers day special at home, check out our Mothers Day Set Menu A-D… that you can choose from. Send these foods with flowers and cakes as a gift to your mom and loved ones.” 

Makikita sa kanyang post na masaya siya kasama ang kanyang mga anak at tila nagpo promote ng kanyang business na mga cakes at flowers, mga panregalo sa tuwing may mga espesyal na okasyon.

Matandaan ang aktres sa kanyang ginampanang role bilang si Clara sa TELEserye na Mara Clara na kung saan dito sumikat ang aktres. Kilala din siya sa kanyang epektibong pagganap sa mga kontrabida roles.

Ang kanyang pagganap dito ang naging daan niya sa pagsikat sa pag arte. Gumanap siya bilang karibal at greatest rival ni Mara na binidahan ng isang beteranong aktres din na si Judy Ann santos.

Isa siya sa mga pinakamahusay na kontrabida sa mundo ng showbiz sa Pinas. 

Source: KAMI

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments