Gumawa ng ingay sa social media si Gerald Anderson matapos ang kanyang pag react sa comment ng isang aktor sa pelikulang Init sa Magdamag na kasama ang leading lady na si Yam Concepcion.
Sa kanyang latest post ni Gerald Anderson, ibinahagi ni JM de Guzman ang isang teaser tungkol sa kanilang coming episode na kung saan bumwelta siya ng isang intense line.
Hindi nagpaawat si Gerald Anderson na magbitiw din ng ng kanyang hilarious response kung saan nakapag trigger kay JM de Guzman na magbigay ng reply agad agad.
Ibinahagi ni JM de Guzman ang kanilang teaser pa sa kanilang next episode kung saan ang kanyang karakter na ginagampanan, Peterson, ay nagbitiw ng isang isang intense line para kay Tupe.
Sa kanyang ibinahaging video, makikita na si Peterson (JM de Guzman) ay nagtanong kay Tupe (Gerald Anderson na maaari ba siyang maging sperm donor ng kanyang wife na si Rita (Yam Concepcion).
Sa caption na nilagay ni JM de guzman, sinabi niya rito na “Anakan mo...ang asawa ko. #InitsaMagdamag.
Ang kanyang online post ay agad na nakarating kay Gerald Anderson at agad ding nagbigay ng reply ang aktor kay JM. “Opo para sayo Peterson, sinulat ni Peterson (JM de Guzman) na may nakalagay pang heart emoji.
Agad naman nakuha ang atensyon ni JM de Guzman sa naging comment ni Gerald Anderson sa kanyang postat simpleng sinabi nito na “thanks” sa kanya at dinagdagan pa ny crying-laughing emoji sa kanyang comment.
Si Gerald Anderson o kilala sa tunay na buhay bilang si Gerald Randolph opsima Anderson Jr. ay isang aktor na isinilang noong March 7, 1989. Kilala siya sa kanyang mga lead roles sa ilang mga TV series kabilang na dito ang Sana Maulit Muli , My girl, Tayong Dalawa, Kung Tayo’y Magkakalayo at Budoy.
Sa kasalukuyan, kalat din ang balita na si Gerald Anderson ay tinulungan ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto na nag papack ng relief goods sa kanilang viral na vlog.
Matatandang nag viral ang isyu ni Gerald Anderson ang nag viral na isyu tungkol sa kanyang kontrobersyal na pakikipaghiwalay sa kanyang dating nobya na si Bea Alonzo na marami ang nagsasabi na nagkaroon ng third party sa kanilang relasyon.
Marami ang naging komento kay Gerald Anderson sa kumakalat na isyu. May ila ng mga celebrities ang nagpahayag ng kanilang mga naging komento sa aktor. Isa na dito si Janice de Belen na pinaghihinalaang may namamagitan sa kanila ng aktor.
Kalat na kalat ang tsismis noon nang naghiwalay sila ng kanyang dating girlfriend na si Maja Salvador dahil sa nasabing dahilan na umano’y sangkot ang aktres na si Janice de Belen.
Sa isang latest interview na nag guest ang aktres na si Janice de Belen, sinabi niyang “matinik daw si Gerald.” Iminungkahi niya rito ang mga naging dating isyu ng aktor. Ngunit sabi niya na “Love niya ang bangus.”
Nilinaw naman ni Janice de Belen ang naging isyu na ito at sinabi niya na walang namagitan sa kanila ng aktor. Sinabi niya na parang kapatid lang niya si Gerald Anderson.
Source: Kiat Media
0 Comments