Jane Oineza at RK Bagatsing, Kinumpirma na sa Wakas ang Kanilang Relasyon sa TikTok Video na Ito

Matapos ang ilang buwang spekulasyon tungkol sa tunay na relasyon ng aktor na si RK Bagatsing at aktres na si Jane Oineza, sa isang TikTok video na ibinahagi ni RK ay tuluyan nang kinumpirma ng mga ito na mayroon nga silang relasyon. 

Sa TikTok video na ibinahagi ni RK sa Instagram nito lamang ika-20 ng Mayo, makikita na bago sumayaw ang dalawa ay nagkaroon ang mga ito ng mabilis ngunit sweet na kiss. Hindi man diretsahan, mukhang kinumpirma na rito ng dalawa ang tungkol sa kanilang pagiging magkarelasyon.

“Dancer yarn,” ang maikling caption pa nga ni RK, 33, sa kanyang IG post.

Kaya naman, agad na nagpaabot ng pagbati sa dalawa ang kanilang mga tagasuporta na talaga namang kinilig sa mga ito. Ani ng kanilang mga fans, masaya raw ang mga ito para kina Jane, 24, at RK kaya sana raw ay alagaan ng aktor si Jane. 

“Omg!!!!!!!! Nanginginig ako!!!!! Ang happy ko para sa inyo!!!!” ang kinikilug na ani nga ng isa sa kanilang mga fans.

“Muntik nakong atakihin sa puso. Kiliiiiig much! Loveyou!” ang ani naman ng isang pang netizen sa dalawa.

Mula pa umano noong 2018 nang magsama ang dalawa sa isang teleserye ay sinubaybayan na nila ang mga ito. Kaya naman, masayang masaya sila na mayroong nabuong relasyon sina Jane at RK.

Samantala, agad din na naghayag ng kanilang saya para sa dalawa ang kanilang mga katrabaho at kaibigan sa showbiz gaya na lamang nina Sue Ramirez, Enchong Dee, Enzo Pineda, Sunshine Cruz, at Vina Morales. Maging ang direktor na si Antoinette Jadaone ay di rin napigilan na ihayag ang kanyang kilig sa rebelasyon ng dalawa. 


Ilan pa nga sa mga artista at kaibigan ng dalawa na bumati sa mga ito ay sina Ria Atayde at Kaye Abad.

Samantala, bago ang pagkumpirmang ito nina Jane at RK ng kanilang relasyon ay nagbahagi rin noon ang aktres ng isang Instagram post kung saan ay binati nito si RK sa kanyang kaarawan. Dito, isang short ngunit sweet na message ang kanyang hatid kay RK.

“To this amazing person, my source of happiness... Happy Birthday,” saad pa rito ni Jane sa aktor.

Dahil naman dito kaya mas lumakas pa ang spekulasyon na magkarelasyon nga ang dalawa. Una namang naiugnay ang mga ito sa isa’t-isa matapos nilang magbahagi ng mga larawan na magkasama sa isang resort sa Laguna.

Noong 2018, nagkasama sina RK at Jane sa ABS-CBN teleserye na “Araw Gabi” kung saan, bumida sina JM de Guzman at Barbie Imperial. Muling nagkasama ang dalawa sa isang proyekto kung saan ay sila naman ang bumida. Ito ay ang 2020 film na “Us Again”.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit kalahating milyon ang nakapanood ng TikTok video na ito ng dalawa sa IG account ni RK. Sa TikTok naman kung saan unang naibahagi ang video ay umabot na sa halos tatlong milyon ang nakapanood nito.

Gaya ng kanilang mga kaibigan at mga tagasuporta, hindi rin napigilan ng maraming mga netizen ang maghayag ng kanilang saya para sa dalawa. Deserve naman daw ng mga ito ang isa’t-isa at bagay din umano ang mga ito. Kaya naman, sana araw ay maging matibay at magtagal ang relasyon nina Jane at RK.


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments