Naging mainit na usap-usapan ngayo sa social media tungkol sa isang nakakagigil na komento ng isang netizen para sa isang aktor na para bang nagliliyab sa galit ang netizen niyang sabihin niya ito.
Ang FPJ “Ang Probinsyano” ay isang pelikula na kung saan sinasalamin nito an mga pangayayari sa ating lipunan at maging na rin ang mga kaganapan na mga krimen sa komunidad.
Isa ito sa mga pelikula na tinatangkilik ng mga nakararaming mga manonood dahil sa mga taglay nitong magandang istorya at napaka epektibong karakter.
Nitong mga araw lamang, naging mainit init na usapan ang isang komento ng netizen tungkol sa isa sa mga karakter ng FPJ “Ang Probinsyano” na si John Arcilla patungkol sa karakter na kanyang ginagampanan.
“Dapat matagal mo ng alam na sa apat na sulok ng palasyong ito ay mayroong mga tenga at mata. Ako ang nauna sa’yp dito, Lily. Baka nakakalimutan mo yan. At ngayong ako na ang may hawak ng kapangyarihan sa palasyo, ako na ang magpapatakbo ng gobyerno. Sisiguraduhin kong mawawalan ka ng lugar dito.”
Nakasulat sa ibabaw ay ang ilan sa mga sikat na linya ng pinag-iinitang aktor ngayon sa pelikulang FPJ “Ang Probinsyano” na si John Arcilla.
Si John Arcilla o mas kilala bilang si Renato Hipolito sa programang “Ang Probinsyano” sna pinag-iinitan ng mga netizen dahil sa kanyang naging karakter sa serye. Si Renato Hipolito ay ang sinasabing kalaban ni Cardo Dalisay.
Sa kanyang role, isa siyang maimpluwensiyang terrorist at drug syndicate leader na may mataas na panagarap na maging leader ng bansa.
Sa serye, nagawa na ni Renato Hipolito na pasukin ang palasyo at may kakayahan ng maontrol ang pagpapatakbo ng bansa sa pamamagitan ng inilagay niyang pekeng presidente .
Kaya naman ganito na lamang ang mga rekasyon ng mga nanood ng “Ang Probinsyano” sa ipinapakitang karakter ni John Arcilla sa kanyang pagganap bilang si Renato Hipolito.
Sa twitter, ibinahagi ng aktor ang isang gigil at nagagalit umano na komento ng isang netizen sa kanyang pagganap sa kanyang role. Sinabi naman ni John na hindi niya alam kung seryoso ba ang nagkomento nito o nagpapatawa lang.
Ngunit sabi naman ni John Arcilla na dapat ay relax alng at chill dahil napakalayo sa totoong buhay ang role na ginampanan niya bilang Renato Hipolito.
“How hwag kang mangarap na maging presidente ng buong Pilipinas galng mo naman kung ikaw ang paplit magng president ng Piliponas ngpatawa ka ba eh sa role mo plng sa probinsyano nakakagago ka noh drug addict ka,” ito ang nasabing komento ng isang netizen na pansin ang galit nito sa karakter ni John Arcilla.
“Hindi ko po alam kung seryoso siya o nagpapatawa. Relax ka lang . Ang teleserye ho e hindi totoong buhay. Chill chill lang po,” sagot naman ni John sa komento ng netizen sa kanyang nirepost na tweet.
Si Romeo Gonzales Arcilla ay isang filipino International na aktor at environmentalist. Kilala siya sa kanyang role sa pelikulang Antonio Luna sa isang historical drama film. Sikat din siya sa kanyang pagganap bilang Hagorn sa Encantadia at Renato hipolito sa FPJ’s “Ang Probinsyano” serye.
Source: Kiat Media
0 Comments