Pinakabatang Mayor ng Pinas, Pinakilig ang mga Netizen sa Relasyon Nito sa Isang Sikat na Aktres

Maraming mga taong ang nakilala dahil sa kanilang mga magagandang personalidad at kahanga-hangang mga katangian mula sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Maaaring sila ay bata o matanda na.

May mga sikat na personalidad na hindi nating akalaing may mga tinatagong kahanga-hangang katangian. Nariyan palagi kapag may nangangailangan ng tulong lalong lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna. 

Marami rami na rin ang mga kumalat sa social media na mga personalidad ang labis na kinilala ng mga tao dahil sa mga ipinakita nitong mga kabutihan sa ibang tao. Ilan sa mga personalidad ay nasa larangan ng pulitika na nagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa mga nasasakupan.

Ilan sa mga sikat na kilalang mga personalidad sa larangan ng pulitika ay ang alkalde ng Manila na si Mayor Isko Moreno , ang pinakahinahangaang batang mayor ng Pasig City, Vico Sotto at kabilang din dito ang mayora ng San Miguel Tarlac na si Mayora Donya Tesoro.

Samu’t saring mga posts sa social media ang ating nakikita tungkol sa kanilang mga aksyon sa gobyerno at ang purong paglilingkod sa bayan kaya kung ganun laman karami ang mga magagandang komento ang kanilang mga natanggap. 

Isa sa mga hinahangaang pinakabatang mayor sa Pilipinas ay si Mayor Arth Bryan C. Celeste na itinanghal na Mayor ng Alaminos City Pangasinan sa edad lamang na 22. 

Si Mayor Celeste ay dating alkalde ng ng Alaminos City, Pangasinan. Bago ito naging mayor ay naging Barangay Captain ito sa Barangay Magsaysay. Siya ay nagtapos sa kursong BS Entrepreneurship sa De La Salle University sa Taft Manila.

Dahil sa social media, mas naipakita pa ni Mayor Celeste ang kanyang mga nagawa sa kanyang lungsod para sa ikauunlad nito. Nagbahagi rin siya ng maagap at epektibo na serbisyo sa kanilang bayan na talagang nagpabilib ng netizens sa batang alkalde. 

Isa rin sa mga nakaagaw ng pansin sa mga netizen sa buhay ng alkalde ay relastinship goals nito sa isang aktres na si Pauline Mendoza na kabilang sa palabas na “Kambal Karibal” sa GMA. 

Nabanggit din ng dalawa na sila ngayon ay nasa “Long distance relationship” dahil nasa Marikina nakatira si Pauline at nasa Alaminos naman si Bryan ngunit ani ng dalawa hindi ito naging hadlang ng kanilang relasyon. Mas lalo pa ngang pinatatag ang kanilang relasyon.

Sa Pilipinas, napaka talamak ng mga korapsyon at pagnanakaw mula sa publiko kaya marami na lang ang nagsabi na bulok ang sistema ng pamamalakad ng gobyerno dito sa ating bansa. Hindi na halos naniniwala ang mga tao sa sasabihin pa ng gobyerno dahil naniniwala ang ilan na dito ang totoong ugat ng korapsyon.

Gayunpaman, hindi lahat ng nasa pulitika ay ganun na lamang ang pakay at mithiin. May mabuti pa ring naglilingkod sa bayan na tanging hangad lamang ay ang kaunlaran at kasaganaan ng bawat tao.


Mainit na mainit ang usapang pulitika ngayon sa ating bansa lalong lalo na’t papalapit na rin ang halalan. Marami na namang mga iba’t ibang kandidato kasama ang kani-kanilang plataporma ang lilitaw.

Huwag lang kakalimutan na bawat isa sa atin ay may karapatang bumoto at nawa’y ang boto ay magagamit sa pagkamit ng pagbabago. 

Source: readerchannel

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments