Yaya ni Sheryl Cruz, Nagbigay ng Rebelasyon Tungkol sa Panliligaw ni Jeric Gonzales sa Aktres

Trending ngayon ang isang aktres sa ginawa niyang video sa kanyang vlog na umano’y kasama ang isa sa kanyang mga nannies. Naging usap-usapan ang naging tanong ng isa sa kanyang mga yaya tungkol sa aktres.

Naging mainit ang naging tanong ng kanyang nanny na si Ate Laynie sa aktres na si Sheryl Cruz tungkol sa isang personal na hindi inaasahan ng mga netizen na itatanong niya iyon sa aktres.

Isa sa mga naging tanong ni Ate Laynie ay ang mga naging manliligaw ng aktres at tinanong kung sino ang kanyang pinakaboritong manliligaw.

Naging guest umano ni Sheryl Cruz ang kanang nanny na nag alaga na sa kanya simula nang siya ay 13 taong gulang pa lamang. Sa kanilang vlog na pinamagatang “Hot Seat with my Yaya” tinanong si Ate Laynie kung sino sa mga naging manliligaw ng aktres ang kayang pinaka bet.

“Sa lahat ng mga naging boyfriends ko, sino yung pinaka paborito mo...yung pinaka paborito mo?,” tanong ni Sheryl kay Ate Laynie.

Nagmention si Ate Laynie ng ilan sa mga naging manliligaw ni Sheryl Cruz. Nagulat ang marami nang imention ni Ate Laynie ang pangalan ng isang kontrobersyal na aktor.

Sa recent vlog, sinabi ni Ate Laynie ang pangalan na Jeric Gonzales ang naging katambalan ng aktres sa nasabing teleserye na “Magkaagaw” sa GMA.

Kitang kita rin ang pagkagulat ng aktres at bigla na lang napasabi ito ng “Patay” habang nag iisip sa kung ano ang isasagot nito kay Ate Laynie.

Hindi napigilan ng mga netizen ang magbigay ng kanilang mga komento tungkol sa naging pahayag at naging reaksyon ng aktres tungkol sa umanong naging rebelasyon ng kanyang Ate Laynie.


Sinabi naman ni Ate Laynie na ang naging paboritong naging manliligaw ni Sheryl para sa kanya ay si Aga Muhlach.

“Si Aga Muhlach...Aga Muhlach kasi cute siya magaling na artista at tsaka ah magaling na ah marunong sumayaw ganun at kumanta. Mabait sa’yo,” sabi ni naging sagot ni Ate Laynie kay Sheryl.

“Pag may boyfriend ba ako noon, papalit palit ba ako ng boyfriend o matagal ako magkaroon ng boyfriend?” tanong ni Sheryl.

“Hindi naman ‘pag nagkaroon ka ng boyfriend inaabot ng 2 years to 4 years…” sagot ni Ate Laynie sa tanong ni Sheryl.

Hindi pa rin maka get over ang mga netizen sa naging pagmention ni Ate Laynie sa pangalang Jeric Gonzales. Narito ang mga naging komento ng mga netizen sa recent vlog ni Sheryl Cruz.

"Buking"

 “Sagutin na si Jeric! Nanligaw na e”

 “Hala kinikilig ako subraaaaa #jericgonzales ayeeeee” 

“Sheric Forever! Yahoo!"

 "nabuhayan ang aking sheric/jerryl heart"

 “3:34 best answer i’ve ever heard HAHAHAH. this made my day” 

Si Sheryl Rose Anna Marie Sonora Cruz o mas kilala bilang Sheryl Cruz ay isang aktres at singer. Kinilala siya sa kanyang iconic role sa “Sinasamba Kita” at sa kanyang naging pagganap na Valeria sa “Bakekang” at Miss Minchin sa sikat na teleseryeng Princess Sarah.

Inamin ng aktres na noong una ay ayaw pa nga niyang tanggapin ang offer sa gagampanan niyang roles sa “Magkaagaw” dahil umano sa demanding na role.

Na hot seat din si Jeric Gonzales sa mga intrigang tanong sa kanyang pag guest sa The Boobay and Tekla Show. Sinabi niya ang real score nila ni Sheryl Cruz. Sinabi din niyana naniniwala siyang siya ang “Mr. Dreamboy” ni Sheryl.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments