Bagama’t hindi na ito ngayon nagtatrabaho bilang manager sa Jollibee, hindi napigilan ni Jeffrey Sabino Padoga na ipagtanggol ang fastfood restaurant matapos na ireklamo ito kamakailan sa programa ni Raffy Tulfo ng nagtrending kamakailan na kustomer na nakatanggap umano ng “fried towel” imbes na fried chicken.
Sa kanyang Facebook post, umalma si Padoga sa agad-agad na pagdulog ng kustomer na si Alique Perez kay Tulfo dahil hindi naman umano ito ang makapag-aayos ng problema. Saad pa nito rito,
“TULFO agad, ma’am? Pwede naman between you and the branch lang. For sure, aasikasuhin ka nila internal and if ano ang mga dapat gawin. 40 plus years na si Jollibee, alam nila gagawin sa complaint… And di naman Tulfo ang magsosolve ng problema.”
Ayon kay Padoga, kung ang kapakanan umano ng kanilang kalusugan ang inaalala ng Ginang, hindi naman umano nito nakain ang “fried towel”. Ngunit, kung gugustuhin umano ni Perez na magpa-medical ay siguradong sasagutin pa raw umano ng Jollibee ang lahat ng gastos.
Kung tutuusin, kinausap na raw pala umano ito ng Branch head ng Jollibee branch kung saan galing ang inorder nitong fried chicken. Hindi naman umano nagtatapos dito ang lahat dahil siguradong personal din daw na hihingi ng tawad ang mga ito kay Perez.
Sa mahigit 40 taong pagseserbisyo ng Jollibee, tiwala si Padoga na alam umano ng management kung paano maayos na aksyunan ang naturang reklamo.
Maliban dito, hindi rin napigilan ni Padoga na magsuspetya sa tunay na pakay umano ng ginang dahil noong una, ani nito ay para sa “awareness” lamang ng marami ang pagbabahagi nito ng kanyang Facebook post na kalaunan ay naging viral. Ngunit, ngayon umano ay bigla itong nagbago at mukhang mayroon na umanong ibang hinihingi.
Nagtataka umano ito kung bakit mayroon nang abogado gayong nilinaw nito noon na wala itong habol sa Jollibee. Tinanong pa ito ni Tulfo tungkol sa maaaring paghahabol ng mga ito sa pera ngunit, iginiit nito na mayroon naman silang pera na mag-asawa.
Ngunit, bigla na lamang umanong nag-iba ang ihip ng hangin at animo’y mayroon na silang gustong makuha sa Jollibee. Maliban pa ito sa request ni Perez na mag-public apology umano rito ang mga namumuno sa Jollibee.
“Coming from you, ma’am, wala kang habol sa pera pero biglang nagka-lawyer. Biglang gusto mo na bayaran damage hmmmm.
“Biglang nabago ang isip, may lawyer pa. Then kini-clear ni Tulfo na for “awareness” lang ba daw ang post niya, walang money purposes? Biglang meron na din daw hmmmmm,” ani pa ulit ni Padoga.
Kung tutuusin, nagkaroon na rin umano ng ilang mga insidente na aksidenteng mayroong nahahalo sa produkto ng Jollibee ngunit, imbes na magpost ay ipinapaalam nila ito sa mga staff dahil alam nila na hindi naman perpekto ang anumang fastfood restaurant.
Samantala, imbes na umani ng simpatya sa mga tao matapos na dumulog si Perez kay Tulfo ay mas dumami pa ang mga nakisimpatya sa Jollibee. Ani ng mga ito, sa kabila ng nangyari ay hindi umano ibig sabihin na ganun lahat ang serbisyo na ibinibigay ng Jollibee. Jollibee pa rin umano sa kabila ng lahat ng ito.
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments