Dugyot na Pagawaan ng Siopao, Inireklamo ng mga Manggagawa Nito kay Tulfo

Kamakailan lang ay dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang grupo ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa isang pagawaan ng ‘siopao’ sa Marikina. Ayon sa programa ni Tulfo, idinulog umano ng mga ito ang tungkol sa pagiging dugyot ng pinagtatrabahuan nilang pagawaan na “Siopao Factory ng Bayan”.

Sa programa, ipinakita ang ilang mga kinunang video sa pagawaan kung saan, makikita na mayroon pang mga daga na pagala-pagala sa mismong pagawaan ng siopao. Maliban dito, kita rin ang mga manggagawa na wala man lang suot na pang-itaas na damit at naka-shorts lamang habang nagtatrabaho.

Wala ring suot na proteksyon tulad ng gloves o hairnet ang mga ito. Sa video, kita rin na tumutulo umano ang pawis ng naturang mga manggagawa habang walang gloves na gumagawa ng siopao.

Ayon kay Tulfo, hindi naman umano ito kasalanan ng naturang mga empleyado lalo na’t wala naman umanong ibinibigay na uniporme ang may-ari kahit pa nag-request na raw tungkol dito ang mga manggagawa. 

Samantala, ang isa pang inirereklamo ng mga manggagawang ito ay tungkol naman umano sa mababang pasweldo sa kanila ng may-ari ng naturang pagawaan. Ayon sa mga ito, nasa 150 hanggang 250 lamang umano ang kanilang sweldo kahit na nasa mahigit 500 dapat ang minimum wage ng mga ito ayon sa batas.

Katwiran daw kasi ng may-ari, libre naman umano kasi ang pagkain at tinutuluyan ng naturang mga manggagawa. Ngunit, nang ipakita naman ng mga ito ang kanilang tinutuluyan, hindi iisipin ng sinuman na magkakasya silang lahat sa kanilang tulugan.

Maliban sa masikip at madumi umano ito ay wala man lang itong bintana. Iisa lamang ang kanilang pintuan kung saan sila pumapasok at lumalabas. Bagama’t mayroon silang electric fan ay mainit naman umano ang singaw nito dahil nga sa sikip ng lugar na walang bintana. Kaya naman, ang resulta, kadalasan ay tinitiis ng mga ito na sa sahig matulog ang iba.


Dahil sa mga paglabag na ito ng naturang siopao foodhaus, sisiguraduhin umano ni Tulfo na mai-inspeksyon at mapapasara ang naturang pagawaan hangga’t hindi nila nililinis ang kanilang lugar at hindi sila nagbabayad ng maayos sa kanilang mga manggagawa. Sisiguraduhin daw ng host na makukuha ng mga ito ang nararapat na sweldo para sa kanila.

Hindi naman maiwasan ng maraming mga netizen na makisimpatya sa naturang mga manggagawa dahil umano sa sobrang baba ng kanilang natatanggap na sahod. Ani ng mga ito, hindi na umano makatao ang 150 hanggang 250 lamang na pasahod sa mga ito.

“Talagang nakakaawa sila. Kaya nagtagal ng ganyan, wala silang lakas ng loob. Wala silang mapupuntahan kaya napagsasamantalahan… Walang sapat na tulong,” ani pa nga tungkol dito ng isang netizen.

Gayunpaman, mayroon namang ilang mga netizen na hindi napigilang mayroong mapansin sa naturang mga manggagawa. Ani ng mga ito, bilang mga nagtatrabaho roon ay responsibilidad din naman umano ng mga ito na maging malinis kahit papaano sa kanilang trabaho. 

Mababa man umano ang sweldo nila, dapat umano ay mayroon pa ring malasakit ang mga ito na maging malinis sa paggawa nila ng siopao. Napansin kasi ng naturang mga netizen na hindi naman umano ang pagkadugyot ng naturang pagawaan ang pangunahing reklamo ng mga ito kundi ang mababang pasweldo sa kanila.

“Kung hindi mababa sahod n’yo, hindi kayo magrereklamo? Jusko! Hindi kayo concern sa mga kakain?” saad pa nga ng isang netizen tungkol dito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments