Nakaka inspire ang isang istorya na nag viral sa social media tungkol sa isang lalaki na nagtagumpay sa kanyang kasalukuyang buhay ngayon.
Totoong hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng pangarap ng isang tao at marami na ang mga istoryang kumalat na kinabibiliban ng marami.
Katulad na lamang sa nag trending ngayon ng kwento ng isang lalaki na isa sa mga patunay na walang anang hadlang ang makakapagpahinto sa isang tao na ipagpatuloy ang kanyang pangarap.
Kahanga-hanga ang tinatamasang tagumpay ng isang dating tricycle driver na si Joymar Olarte dahil isa na siya ngayong negosyante.
Hindi aakalain ni Joymar na ang kanyang maliit na negosyo na fried chicken na ibinahagi lamang ng kanyang kaibigan sa kanya ay ang magiging daan sa kanilang pag-ahon sa kahirapan.
Nagsimula lamang sila sa isang maliit na puhunan na nagkakahalaga ng Php 2,300 at sa unang araw pa lang ng kanilang pagtinda ay bandang alas singko, ubos na ang mga paninda nilang fried chicken.
Naging katuwang ni Joymar ang kanyang misis sa sinimulan nilang negosyo. Bunga nito, napagtagumpayan nila ang pagkaroon ng anim na store ng kanilang negosyong fried chicken.
Hanggang sa nakilala na ang masarap na fried chicken ng 'J&J tasty fried chicken' sa Urdaneta at Villasis, Pangasinan.
Isa rin sa binabalik-balikan ng mga suki nila ay ang affordable nitong presyo na sa halagang Php 20 ay tiyak na hindi ka magsisisi.
Hanggang sa umabot na ng anim na stores nila ng J&J tasty fried chicken at nito lamang Mayo ay isa si Joymar sa mga honorees ng 18th Citi Microentrepreneurship Awards.
Dahil sa kanilang negosyo, marami na umano ang nagbago sa buhay ng mag-asawa lalong lalo na kay Joymar.
Dahil sa kanyang patok na negosyo, mayroon na siyang apat na tricycle, 4x4 Suzuki multicab, isang Mitsubishi L-300 at 600-square meter na lote.
Source: KAMI
Source: Kiat Media
0 Comments