Ang wedding ceremony ay isang pagdiriwang na kung saan opisyal na magiging isa ang dalawang tao nagmamahalan [proclaimed ad husband and wife] at nangangakong mananatili sila sa isa't isa sa hirap o ginhawa.
Marami ng mga videos sa Facebook ang nakikita natin na parehong naranasan ang tears of joy sa araw ng kanilang kasal. Mga hindi maipaliwanag na damdamin ng bawat isa.
Sa oras na nag e-exchange na ng vows, ang soon to be bride at groom, dito na karaniwang makikita ang pagiging emosyonal ng isang lalaki o babae.
Ngunit kakaiba ang nangyari sa couple na ito na viral na viral na ngayon sa Facebook. Kakaiba sa mga nakikita nating mga emosyonal na kasalan.
Naging usap-usapan ngayon ang isang couple na nag trending matapos nagkamali ang groom sa kanyang wedding vows sa oras ng kanilang wedding ceremony.
Sa isang Facebook post ni Shiela Mae Llagas, ibinahagi niya ang 1-minute video clip tungkol sa kanilang 'hilarious' ngunit sweet na exchange of vows matapos nagkamali ang kanyang groom sa vows nito.
Sa nasabing video, makikita na si Cleyford Ryan Llagas, pangalan ng groom, matapos nagkamali siya sa kanyang vow matapos ipaulit kay Ryan ang sinabi ng pari sa kanya.
Ang eksaktong sinabi ng pari ay "tinitipan kita, maging aking may bahay" ngunit nagkamali ng dinig si Ryan at ang nasabi niya ay tinitipan kita, maging aking bahay."
Matapos madinig ng mga dumalo sa kasal at ng pari ang sinabi ni Ryan, hindi mapigilan ng mga nakarinig nito na tumawa. Maging si Shiela ay, ang kanyang bride, ay hindi napigilang matawa.
Naging game naman ang pari sa pagkakamali ni Ryan at pinaulit niya uto. Pabirong sinabi niya kailangan ng "Take 2" dahil sa umano'y ang groom ay isang arkitekt at bahay lang daw ang nasa isip nito.
Take two, palibhasa arkitekt ka eh. Arkitekt ka, walang ibang naiisip kundi bahay," sabi ng pari na nangulo sa kanilang wedding vows.
Sa post ni Shiela Llagas, nilagyan niya ng witty caption na ibig niya sabihin ay kahit araw na ng kasal mo ay trabaho pa rin ang iniisip ng kanyang groom.
"Yung ikakasal na kayo pero yung isip ng asawa mo nasa trabaho pa yata," caption ni Shiela sa kanyang post.
Maraming mga netizen ang natuwa sa video na ipinost ni Shiela na kahit nagkamali man ang pagkasabi ng vow, naginh sweet pa rin ito sa huli.
Katulad ng mga kwentong ito nina Shiela at Ryan na kahit hindi man naging perpekto ang pagkasabi ng mismong groom sa vows nito, ang mahalaga ay totoong nagmamahalan ang dalawa.
Source: Kiat Media
0 Comments