Kapansin-pansin na nga ang magandang pagbabago sa katawan ng aktres at TV host na si Camille Prats - Yambao lalo na sa mga larawan na madalas nitong ibahagi sa social media lalo na sa Instagram.
Ikinamangha ng marami ang weight loss journey niyang ito at naging inspirasyon din ito sa iba na simulan na rin ang kanilang fitness routine gaya ni Camille.
Sa isa nga sa mga larawan na ibinahagi nito kamakailan kung saan makikita si Camille suot ang isang pink strappy dress, kitang-kita ang ganda ng katawan nito ngayon. Kaya naman, marami ang nagbahagi ng mga positibong komento para sa aktres.
Ngunit, hindi rin maiwasan na mayroong iba na salungat naman ang naging opinyon sa fitness journey na ito ni Camille. Mayroon umanong ibang mga netizen na hindi ikinatuwa ang pagpapapayat ng aktres. Ani ng mga ito, naninibago raw sila sa katawan ngayon ni Camille at pinayuhan pa ng mga ito ang aktres na huwag na masyadong magpapayat pa.
Kaya naman, dahil sa mga komentong ito na natanggap ni Camille, nagbahagi ito ng isang mensahe kung saan, sinigurado ng aktres na masaya siya sa katawan niya ngayon at wala rin dapat na ipag-alala ang mga ito dahil malusog din ang kanyang pangangatawan.
Ani pa ni Camille, alam umano nito na hindi lahat ng tao ay matutuwa para sa kanya kaya humingi pa ito ng pasensya sa mga taong ito. Gayunpaman, ani ni Camille ay masaya ito sa kondisyon ng kanyang katawan at layunin niya rin na makapagbgay inspirasyon sa iba na gusto ring simulan na magkaroon ng healthier lifestyle.
“To those sending comments about my body, I am at my healthiest po. I know I cannot please all of you, but I dont see anything wrong with my body. As long as I am healthy and strong, oks na ako dun…
“Sa mga hindi natutuwa, pasensiya na po. I’m really happy where I am physically, and I hope to inspire more people to choose a healthier lifestyle. Llove and light!!” ani pa nga ni Camille.
Bago ito, naibahagi rin ni Camille sa social media na hindi umano naging madali at mabilis ang kanyang pinagdaan sa kanilang fitness journey na umabot pa umano ng halos isang taon. Kung inakala umano ng mga ito na madali lamang para sa kanya ang ginawang pagbabawas ng timbang, nagkakakamali ang mga ito.
Kaya naman, ani nga ng aktres tungkol dito na may kasama ring payo sa mga nais din na simulan ang mag-ehersisyo,
“People think losing weight happened to me overnight. This is what I mean when I say it took a looooot of hard work and consistent quality workout that my husband and I committed to doing for almost a year now. Yes, almost a year…
“It took us that long to get to where we are fitness wise and still a work in progress. Your mood does not determine whether you'll do it or not, regardless whether you feel like doing it, you still do it. You also can't keep giving yourself excuses, you do it. No matter what, you do it.”
Source: BANDERA
Source: Kiat Media
0 Comments