Pinag-uusapan ngayon ang isang aktres na si Pauleen Luna matapos malaman ang kanyang reaksyon tungkol sa isang rebelasyon na matagal na palang nakatago.
Isa sa mga naging usap-usapan nito ay ang pagpapakasal ni Pauleen Luna kay Vic Sotto. Marami ang nagulat sa naging pagpapakasal ng dalawa. Hindi halos maisip ng iba ang kanilang pagpapakasal dahil umano sa age gap ng dalawa.
Marami ang nagbigay ng kanilang sariling mga opinyon matapos isinapubliko ng dalawa ang kanilang plano na magpakasal.
Si Vic Sotto at Pauleen Luna ay ikinasal noong January 30, 2016.Napuno na tawanan at iyakan ang kasal nina Bossing Vic Sotto at Kapuso host-actress Pauleen Luna sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa, na nasundan rin ng wedding reception sa The Filinvest Tent.
Ngunit sa kabila nito, may isa pa palang shocking na pangyayari kay Vic Sotto. Nalaman ng lahat na ang panganay na anak ni Julia Clarete ay ang ama pala nito ay si Vic Sotto.
Sinabi naman ng aktres na si Julia Clarete na wala siyang balak umeksena sa samahan nila ni Pauleen Luna at Vic Sotto. Inamin din naman ng aktres na siya ay masayang ikinasal at kuntento na siya sa kanyang buhay ngayon.
Sa kasalukuyan, hindi naman umabot sa malaking awayan o alitan dahil aware naman si Vic Sotto na may nangyari sa kanila noon at nagbunga ito ng isang anak na lalaki.
Kung may pagkakataon mang hindi angkinin ni Vic ang kanilang anak ni Julia, nakahanda ang paternity test na inihanda ni Julia para mapatunayan na totoong si Vic Sotto talaga ang ama ng kanyang panganay na anak.
Nagulat si Pauleen Luna sa rebelasyong ito ngunit wala siyang magawa dahil may mga ebidensya na maipapakita si Julia sa kanya.
Ang kaya lang niyang gawin ay tanggapin na ang panganay na anak nu Julia ay ang ama nito ay ang kanyang asawa ngayon.
Si Vic Sotto ay isang sikat na aktor, komedyante, film producer, singer-songwriter, at television presenter na nasa industriya ng showbiz simula pa noong 70s.
Naging ‘Box Office King’ siya ng maraming beses. Dating kasal siya sa aktres na si Dina Bonnevie at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto na parehong may asawa na at mga magulang na rin.
Ngayon, ay kasal siya kay Pauleen Luna, ang kanyang kasamahan at dabarkads sa noontime show sa Kapuso, ang ‘Eat Bulaga,’ at may isa silang anak.
May dalawa pang anak si Vic na sina Vico Sotto, anak nyang lalaki sa aktres na si Coney Reyes, at si Paulina Sotto, ang anak nya kay Angela Luz.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Kiat Media
0 Comments