Isang Abogado, Viral Ngayon Matapos Tinanggap ang Isang Kakaibang Pambayad ng Kanyang Client; Ano ito? Alamin Dito!

Marami sa ating mga kababayan ang hindi nagustuhan ang sistema ng hustisya sa Pilipinas dahil na rin sa mga balitang hindi pantay na pagkamit ng hustisya ng isang tao.

Kung ikaw ay isang tao na sakto lang na makakain sa isang araw, ang tsansa ng pagkamit mo ng nasabing hustisya ay maliit lamang. Ngunit kung ikaw ay isang kilalang tao, ikaw ay pabor sa pagkakaroon ng hustisya. 

Kaya mayroon tayong mga taong tinatawag na mga abogado na siyang nanunungkulan upang ipagtanggol at depensahan ang mga taong nasa katwiran at katarungan.

Katulad na lamang ng isang attorney na nag post sa Facebook noong Wednesday, June 16, nang ibinahagi niya ang kanyang naging encounter sa kanyang client.

Ibinahagi ni Attorney Noel Allen Bose sa publiko gamit ang kanyang Facebook account sa kanyang naging kakaibang encounter sa kanyang client pagkatapos ng hearing.

Kitang kita ang isang photo ng attorney bitbit ang isang bundle ng ng alimango bilang pambayad sa kanyang appearance sa korte. 

Marami naman ang nagtanong sa kanya na okay lang ba ang naging pambayad ng kanyang client na isang bundle lang ng crab.

Isinaysay naman ni Attorney Bose ang sinabi ng kanyang client sa kanya na humingi umano ng dispensa dahil walang pambayad na pera.

"Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli na lang namin ang ipambayad ko sa inyo?" sinabi umano ng client ni Atty. Bose. 

"Aba, okay lang sa akin," sagot ni Atty. Bose.

Marami sa ating mga netizen ang natuwa sa ginawang pagtanggap ni Atty. Bose sa isang bundle ng crab bilang pambayad ng kanyang client sa naganap na hearing. 

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"I admire and salute you attorney! Helping others is a fulfillment of duty. God bless you and stay safe."

"Sending my snappiest salute atty! I assume fellow marginal fishermen si client. By accpeting it, you also showed appreciation as we celebrate National Fisherfolks month."


"Biggest salute to this Atty. who understand his client's situation and receiving a crab for a payment is such a thing to be proud of. Not all lawyers receive food as a payment this is very rare."

Ang mga pangyayaring ito ay bihira lang na nangyayari para sa mga taong hindi kayang bayaran para tulungan ang isang tao na makamit ang hustisya ng isang tao.

Ngunit dahil sa istoryang ito, nabuhayan tayo ng pag-asa na may mga tao pa palang hindi iniisip kung gaano kalaking halaga ang ibabayad sa kanyang sa kanyang pagtulong sa kapwa. 

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments