Isang hindi malilimutang karanasan ang ibinahagi kamakailan ng isang dating Uber driver sa social media na agad naging trending at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen. Hindi nito akalain na ang inakala niyang lasing lamang na pasahero nito ay mayroon palang napakabigat na dinadala.
Pangkaraniwan na umano para sa kanilang mga Uber driver ang magkaroon ng mga pasaherong lasing galing sa mga bar. Ngunit, kaiba umano ang naging pasahero niyang ito na isang babaeng lasing at mula rin sa isang bar ngunit, kapansin pansin ang lungkot.
Bandang alas 10 umano ng gabi noon nang sumakay ang naturang babae sa kanyang taxi. Humingi pa umano ito ng tawad sa kanya dahil sa kalasingan ngunit, nakiusap umano ito na huwag muna siyang iuwi at mag-ikot-ikot lang muna sila.
“Former Uber driver here. Picked a girl up, a sweet girl, from a bar on a Wednesday night --- absolutely hammered, about 10 pm. She got into my car, apologized for being so drunk and politely asked if we could just drive around a little while, with the windows down,” kwento pa ng Uber driver.
Dahil nga lasing, naghanda na umano ang Uber driver ng vomit bag kung sakaling sumuka ang pasahero niyang ito. Ngunit, hindi raw ito nangyari at sa halip ay mayroon umano itong tinanong sa kanya na hindi niya ganoon inasahan.
Tinanong daw siya ng babae kung naisip ba nito kamakailan lang ang tungkol sa kamatayan. Hindi naman nito gaanong sineryoso ang tanong at pasimple lamang itong sinagot. Pagbabahagi pa nga ulit nito,
“I was prepping for a cleaning fee, trying to drive and pull a vomit bag out of the glove box. But no, she just did the airplane thing with one hand out the backseat window. She asked me if I have ever thought about dying, to which I replied, ‘yeah -- I guess so’.”
Hindi naman inasahan ng Uber driver ang sumunod na sinabi sa kanya ng kanyang pasahero. Hindi nito inaasahan ang nakakalungkot na rebelasyong ibabahagi nito sa kanya at kung bakit niya natanong iyon sa driver.
Ayon sa babae, mayroon umano itong cancer at masyado na itong malala para maagapan pa ng chemotherapy. Kaya raw ito lasing ay dahil galing siya sa isang kasiyahan na inorganisa ng kanyang mga katrabaho at kaibigan. Sinabi nito sa kanila na aalis siya papuntang ibang bansa.
“That’s when she told me that she had cancer. It was in her brain and it was too far gone to consider chemo. I remember my heart just pounding. She told me she was dying and she was going to be okay. Tonight she was celebrating with her work friends who threw her a going-away party. She told them she was taking a position abroad,” ani pa nito.
Walang kamalay-malay ang mga ito na hindi ibang bansa ang kanyang tinutukoy dahil kahit gaano nito isipin, mamamatay na raw ang babae. Ang nakakalungkot na saad pa nga raw sa kanya nito,
“I just didn’t tell them that abroad was heaven.”
Ikinagulat naman ng driver ang nalaman niyang ito na talaga namang nagpalungkot at nakasakit sa kanyang damdamin. Nang gabing iyon, matapos ihatid ang babae ay napaiyak na lamang na umuwi ang driver dahil sa naramdaman niyang awa para sa natura nitong pasahero.
Source: therelatable
Source: Kiat Media
0 Comments