Pagtulog na Basa ang Buhok, Isa Umano sa mga Rason ng Pagkakaroon ng Bell’s Palsy

Hanggang ngayon, hindi pa rin natutukoy ng sinuman kung ano ba talaga ang tunay na rason sa pagkakaroon ng kondisyong ‘Bell’s Palsy’. Ito ay isang kondisyon kung saan, nagiging tabingi ang mukha ng isang tao at pagkakaroon ng paralysis ng kanilang facial muscles.

Dahil sa Bell’s Palsy, hindi nakokontrol ng isang tao ang kanyang pagkurap, paggalaw ng kanyang eyelids, o hindi kaya ay ang pagngiti at pagsasara ng kanyang bibig. Bagama’t hindi pa nga tuluyang natutukoy ang sanhi nito, mayroong iba na naniniwalang ang sobrang stress daw ay isa sa mga rason kung bakit nagkakaroon nito.

Kaugnay naman nito, isang netizen na nagkaroon mismo ng kondisyong Bell’s Palsy ang nagbahagi ng kanyang pinagdaanan at ilang mga pinaniniwalaan niyang rason umano kung bakit siya nagkaroon ng naturang sakit.

Ayon sa netizen na si Pamela Rollo, nagsimula lamang umano sa pagbaba ng dugo at potassium sa katawan ang kondisyon niyang ito hanggang sa nagtuloy tuloy na nga at lumabas na ang ilan pang mga epekto ng pagkakaroon ng Bell’s Palsy.

“Nagsimula sa pagbaba ng dugo at pagbaba ng potassium ng katawan. Hanggang sa hindi na natural na pagluluha ng mata at hindi paggalaw ng kanang bahagi ng labi, hindi pag-pikit ng kanang mata, hindi pag-galaw ng kanang kilay at pagtabingi ng kanang pisngi,” ani pa nito sa isang Facebook post na kanyang ibinahagi.

Dito, nagbigay ng payo si Rollo sa mga taong stress daw dahil isa umano ito sa mga rason kung bakit siya nagkaroon ng ganoong kondisyon. 

Maliban dito, idiniin din ni Rollo na ang pagtulog na basa ang buhok ay isa rin sa mga sanhi umano ng pagkakaroon niya ng Bell’s Palsy. Maging ang sobrang pagkahilig niya raw sa milktea at pagpupuyat ay rason din umano sa pagkakaroon niya nito.

Pagbabahagi pa nga nito sa ilan pang mga sanhi umano ng kanyang kondisyon,

“Kaya kung stress ka, sis paki-usap matulog kana. Tanghalian at hapunan fast food? Sis, umuwi kana sa bahay kana kumain. 

“MILK TEA, yes you read right, naadik ako sa Cream Cheese, oreo, love potion, pearl milk tea at GOLDEN SUN. 

“PUYAT? Tumaas nga rank ko sa mobile legends tumabingi naman yung pisngi ko. Nakakatamad na magpatuyo ng buhok bago matulog, I suggest, WAG KANA MALIGO.

“Nakatutok sa fan, hays! Paikutin mo nalang, kesa mahipan ng masamang hangin. Tumabingi din tulad sakin. Tandaan, HINDI KA MAYAMAN.”

Dahil nga sa kanyang kondisyon, sumasailalim ngayon sa gamutan si Rollo gaya ng araw-araw umano na pagpunta sa ospital para sa physical therapy. Mayroon din itong iniinom na mga gamot upang gumaling at maging malusog ulit.

“Now I am currently taking corticosteroid drugs to reduce inflammation. Going to hospital everyday for physical therapy. Taking vitamin B for maintaining good health and well-being. Eye drops to prevent impeksyon. Praying for my fast recovery,” pagbabahagi pa ulit nito.

Ngunit, hangga’t hindi pa umano huli ang lahat at hindi pa nangyayari sa inyo ang pagkakaroon ng Bell’s Palsy, idiniin ni Rollo na iwasan ang mga bagay na kanyang isinaad. Mas mabuti nga namang makaiwas habang maaga pa kaysa magsisi sa huli.

Source: therelatable

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments