Jelai Andres, Tuluyan Nang Nagsampa ng Kaso Laban sa Ginawang Kababuyan ni Jon Gutierrez

Patuloy pa ring kumakalat at gumagawa ng ingay sa social media tungkol sa isyung Jelai Andres at Jon Gutierrez sa kanilang kontrobersyal na hiwalayan at ang mga nabulgar na alitan at naging mga rebelasyon ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Nitong mga nakaraan lamang, halos mapuno ng posts ang Facebook, Twitter at Instagram tungkol sa isyu ng dating celebrity couple. Matatandaan nagkaroon ng third party sa kanilang relasyon. 

Kamakailan lang ay umuugong ang isyu na ibinulgar ni Jelai ang kabit ng kanyang mister matapos nilang magkabalikan. Napag-alaman na ang kabit ng kanyang asawa ay binabahay na umano ng kanyang mister at binigyan pa ng condo at iPhone.

Naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dalawa noong April 2019 dahil napag-alaman ni Jelai na may babae si Jon Gutierrez at yun ang ugat ng dahilan kung bakit sila naghiwalay. Nangyari ang hiwalayan nang magkasintahan pa lang sila.

Kalaunan lang din ay nagkabalikan na naman ang dalawa. Ipinaliwanag ni Jelai na pinagbigyan niya si King Badger. “Nagkabalikan talaga kami. Na-excite nga akong i-reveal yun,” sabi ni Jelai. 

“Nagkahiwalay lang kami ng bahay, pero mag-asawa pa rin kami  kasi kinasal kami, di ba? Pero alam nyo naman na inaayos namin.”

“Tapos nung lock-in taping, nagkabalikan kami. Nagbigay ako ng chance. Pero hindi pa rin nag work kasi nalaman natin ,to. May mga lumalabas na mga ano…”

Matandaang ibinunyag ni Jelai ag kagag*han ng kanyang asawa matapos nalaman niyang niloloko na pala siya ni Jon habang nasa lock-in taping siya. Ipinost lahat ni Jelai sa social media ang mga ebidensya at ang kanyang mga nalalaman tungkol sa babae ng kanyang mister. 

Bago lang lumabas  ang balita na tuluyan ng naghain si Jelai ng reklamong concubinage laban sa kanyang asawa na si Jon Gutierrez . Ayon sa lumabas na ulat ng News5, kasama din sa sinampahan ng reklamo ang napabalitang karelasyon ng kanyang dating asawa at ang tumutulong nito sa relasyon ng dalawa.

Ayon sa abogado ng aktres, nauna na nagsampa ang panig ni Jelai ng “Violence Against Women and Children” noong Abril. Dito ay nakaranas umano ng depression ang aktres dahil sa patuloy na pambabae ng kanyang asawa.

Marami na ang naging hidwaan ng dating mag-asawang si Jelai at Jon na ibinahagi nila sa publiko. Marami na ring pagkakataon na naging trending ang dalawa sa social media.

Maalala noon na lalo pang pinainit ng dalawa ang isyu tungkol sa pangangaliwa umano ni Jon. Muling sumabog ang galit ni Jelai nang nagpatutsada si Jon sa kaibigan ni Jelai na si Mary Letim Ponce dahil sa nakisawsaw umano sa away nilang mag-asawa. 

Recent tweet ni Jon: “Tandaan mo hinde kita asawa or close friend para magsalita ka ng ganyan. 

“Wala kang karapatan pag salitaan ako ng kung ano ano. Ingat ingat ka sa mga sinasabi mo sa vlog na may vlog

“Masyado kang feeling perfect squanny naman ugali mo, kitang kita sa vlog.”

Agad naman niresbakan ni Jelai ang kanyang mister dahil hindi siya natuwa sa tweet nito. 

“Galit na galit ka agad nag practice lang naman kami kung magsusumbong sayo. Wala, ilang minuto bigla ka naging Hulk Hogan. Super hero talaga. Pag ako nasaktan ok lang, sobrang pagdurusa pa dahil sa inyo. Pag kabit mo nahurt, magwawala ka.

Reply naman ni Jon sa tweet ni Jelai, nilinaw niya doon na walang nagsumbong sa kanya. Sinabi niya na ang dami lang daw niyang narinig at nakita sa social media. Ani niya, tatanggapin daw niya pag si Jelai mismo ang nagsasabi ng masama sa kanya pero kapag ibang tao, hindi pwede dahil wala silang karapatan. 

Bumanat din ang kapatid ni Jelai na si Candy Andres Monroe: Asawa mo? Nung kasama mo kabit mo sa kama naalala mo asawa mo? 

Jon: Wala akong problema sayo. Sorry kung nasagot kita dati, pasensya ka na sa mga nagawa ko…”

Jelai: Nung una hindi ka nagsosorry dinamay mo pa pamilya ko pero nung malaman mo na alam na nilang lahat saka ka magsosorry at pagkatapos magwala wala sa twitter kanina na parang ikaw pa ang kawawa…”

Sabi naman ni Jon na wala siyang nililinis at lalong lalo na na hindi niya ginawang singulaing at masama si Jelai lalong lalo na social media. 

Si Jeai, 29, ay may 2.6 million followers sa Facebook at 1.9 million followers din si Jon sa sarili niyang account. Si Jon, 29, ay kilala rin bilang “King Badger” ng hip-hop group na Ex-Battalion. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments