Bea Alonzo, Inaming May Isang Aktor na Naging ‘Lifesaver’ Niya at ng Kanyang Mom Habang Sila ay Nasa Dubai

Gumawa ng panibagong ingay ang aktres na si Bea Alonzo sa kanyang latest vlog tungkol sa kanyang mga paboritong travel destinations. Isa sa mga nabanggit niyang lugar ay ang Dubai.

Sa recent vlog ng aktres na “My Top 10 Travel Destinations” sinabi niya roon na may hindi talaga malilimutang experience kasama ang kanyang mom na related sa Dubai Gold Souk. Batid ng aktres, napaka remarkable ng kanilang experience dito.

Ayon kay Bea, ang kanyang mom na si Mary Ann ay natukso na bumili ng mga jewelries sa nasabing traditional market gamit ang lahat ng kanilang pera na inilaan nila para sa kanilang mga panggastos sa kanilang stay sa Dubai.

Kaya nung namention niya ang lugar na Dubai, hindi niya napigilan na ibahagi kaagad ang kanilang remarkable experience ng kanyang mom.

“May, istorya ako diyan. 'Yung nanay ko, the first time we ever went to Dubai, parang we had this show (Return of the Champions) with the champions pa at that time,” sabi ni Bea.

“So at that point, I was really jet-lagged, I was really tired. So sabi ko kay Mama, hindi na ako sasama doon sa Gold Souk. She went with the group, ako natulog lang ako hotel. At this point, wala pa akong credit card nito. My mom arrived at the hotel, ang dami nilang dalang alahas,”  dagdag pa ng aktres.

“So nagtanong ako, ‘Asan na 'yung talent fee Ma?’ Nagastos nila lahat sa Gold Souk,” tanong ni Bea sa kanyang mom.

Simula noong tinanong niya ang kanyang mom at napag alaman niyang wala na talaga ang pera nila  para sa kanilang stay sa Dubai, nagbigay ng rebelasyon sa Bea sa kanyang naging lifesaver sa panahong iyon.

Sinabi ng aktres na isang aktor ang naging life saver niya at iyon ay si John Lloyd Cruz. Batid ng aktres malaki ang naitulong ni John Lloyd sa kanilang stay sa Dubai kasama ang kanyang mom. 

“Sa buong 5 days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera, as in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals. Binayaran naman namin siya pagdating sa Manila,” sabi ng aktres.

Si Bea Alonzo ay isa sa mga famous na aktres sa larangan ng pag arte. Kilala siya sa kanyang mga pelikula na kasama ang kanyang long time love team na si John Lloyd Cruz. Naging mainit ang kanyang isyu tungkol sa kanyang recent break up ng kanyang celebrity boyfriend na si Gerald Anderson.

Hindi pa rin nagsara ang isyu tungkol sa kontrobersyal na break up ni Bea at ni Gerald. Marami ang naging espekulasyon dito tungkol sa kung ano ang dahilan ang kanilang paghihiwalay. Ngunit sa ngayon, makikita sa mga recent posts ng kanyang dating boyfriend na masaya na ito sa kanyang bagong relasyon.

May recent vlog umano ang aktres tungkol sa kanyang mom na si Mary Anne Ranollo or kilalang Madame M. Sa kanyang vlog, sumabak silang dalawa sa “Never Have I Ever Challenge” na kung saan marami ang nasorpresa sa kanilang mga interesting questions at answers.

Kamakailan lang din ay nagbahagi ang aktres ng isang vlog ang ang napili niyang content ay ang “epic tour sa kanyang spacious at gym home.” sinabi ng aktres na ang bahay na iyon ay original na house’s family room hanggang naisipan niyang i-renovate ang gawing mas functional ito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments