Ang kwento ni Reymark Mariano, 10 taong gulang na tubong taga Mindanao ay nagpaantig at nagpalungkot ng puso sa mga netizen dahil sa kanyang mga paghihirap at mga sakripisyo na nararanasan sa murang edad pa lang.
Nitong Mayo 23, marami ang nanood sa istorya ni Reymark na ipinalabas sa programang sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ng GMA Network. Sa nasabing episode, marami ang namangha at nagulat sa kanilang nasaksihan na hindi gaya si Reymark ng iba pang mga bata.
Pagkatapos ng nasabing programa ay marami ang nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa nasaksihan nilang kwento ni Reymark. Hindi halos maisip ng iilan na sa murang edad ay nagtatrabaho na siya sa bukid.
Sa isang panayam kay Reymark, ibinahagi niya na sa murang taong gulang pa lang, natuto na siyang mag araro ng ektaryang lupain para makatulong sa kanyang mga magulang at maging sa kanyang mga kapatid.
Naalala rin ni Reymark na wala na siyang iba pang choice kundi ang magtrabaho sa bukid matapos makulong ang kanyang ama at dahil na rin sa hirap ng kanilang buhay. Kaya ganun na lamang ang kanyang pagpupursige na mag araro.
Iniwan na rin si Reymark ng kanilang ina dahil sa mayroon na itong sariling pamilya. Kaya ibinilin na lamang siya sa kanyang mga lola’t lolo.
Matapos pinalabas ang kanyang kwento at inere sa telebisyon, agad ito nag viral sa social media at dito dumagsa ang tulong para sa bata. Marami ang naawa sa kanyang istorya dahil sa nakikitang sitwasyon ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya.
Isa sa mga netizen na tumulong kay Reymark ay ang lalaking nagngangalang Jerick Mitra.
Si Jerick Mitra ay isang motorcycle enthusiast. Matapos mapanood niya ang kaawa awang sitwasyon ng bata, nagdesisyon siyang ibenta ang kanyang expensive helmet.
Sa kanyang Facebook post, naghanap umano ang motorcycle enthusiast ng buyer na interesadong bilhin ang kanyang helmet.
Ayon sa kanyang post, nakalagay sa kanyang caption na ibebenta niya ang kanyang helmet sa halagang Php 12,950 at ipinangako niyang lahat ng kanyang makukuha sa pagbebenta ng helmet ay mapupunta kay Reymark.
Dahil sa naging kabutihan na ipinakita ni Jerick, maraming mga netizen ang humanga sa kanya.
Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen:
“Thank you for your kind heart.”
“Yan si idol. May mabuting puso. Tumutulong sa kapwa, mabait at walang yabang sa sarili kaya naman pinagpapala. Godbless idol! Si Lord na bahala sayo suklian ang kabutihan mo.”
“Salute to you master Jerick at sa lahat ng bumubuo nitong proyekto.”
“Galing naman… sana marami pang katulad mo idol Jerick Mitra..kaya lalo ka yumayaman ang bait mu..godbless.”
“Young master Jerick Mitra malakas sanay madami kapang mga taong matulungan salute sa iyo idol.”
Source: Kiat Media
0 Comments