Isang Lolo, Nagtitinda ng Lugaw Para Makaraos sa Araw-Araw Ngunit Walang Bumibili Nito

Ang ating lipunan ay binubuo ng mga tao na may iba’t ibang estado sa buhay. Mayroon tayong tinatawag na mayaman (upper class), may kaya sa buhay (middle class) at yung mga taong walang wala talaga sa buhay (lower class) na gagawin na lamang ang lahat para lang maitaguyod ang pang araw-araw na pangangailangan.

Sa buhay ng tao, hindi pantay pantay ang kinalalagyan natin na estado. Yung iba maaring maswerte dahil nakakain sila ng tatlong beses sa isang araw ngunit kawawa yung iba na dalawa o isang beses lang makakain sa loob ng isang araw.

Marami sa ating mga kababayan ang binansagang “isang kahig isang tuka” na ang ibig sabihin ay isang beses lamang makakain sa isang araw. 

Ito ay ang mga taong hindi nakaranas pa ng kaginhawaan sa buhay. Ang kanilang tanging hangad lang ay makakain sa isang araw para patuloy na mabuhay.

Tulad na lamang sa mga naitampok sa social media na tiyak nagpaantig sa puso ng mga netizen na kinakaya ang kahit gaano man kahirap ang buhay para lang mairaos ang pang araw-araw na pangangailangan.

Isang netizen ang nagbahagi sa social media sa nakitang kalagayan ng isang lolo na nagtitinda na lamang ng lugaw para lang makaraos sa araw-araw.

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Max Udomsak na taga Bangkok Thailand ang kalagayan ng isang matanda na nagbebenta lamang ng lugaw sa araw-araw.

Ngunit ang masaklap dito ay kumikita lamang ang matanda ng aabot sa halagang 34 lamang at 40 naman kung may kasamang itlog.

Hindi rin naging madali ang proseso nito. Aabutin pa ng ilang oras si lolo bago makabenta at madalas pa nga daw ito ay walang benta dahil wala sa kanyang gustong bumili. 

Ang tanging tirahan ni lolo ay isang abandonadong bahay dahil nasunog ang kanyang bahay noon.

Dahil sa kawalan ng pera, hindi na nag abala pa si lolo na humanap pa ng panibagong bahay na maaari niyang upahan. Nabatid rin ma walang tumulong kay lolo kaya naman hmanap na lang siya ng paraan para may matirhan siya.

Gumamit siya ng trapal at tarpaulin ng sa gayon ay hindi siya mabasa at magsilbi itong harang at proteksyon niya sa kanyang pagtulog tuwing umuulan.

Nagsisimula si lolo na magtinda ng kanyang lugaw mula alas tres ng madaling araw hanggang sa sumapit na ang gabi. Sa kanyang pagtitinda naman ay minsan meron minsan wala ang naging kalagayan ng kanyang pinagkakakitaan.


Dahil sa isang good samaritan na nag post umano ng larawan ni lolo, marami ang nakakita sa kalagayan ni lolo at marami ang nalungkot sa kanyang naging sitwasyon ngayon.

Ito rin ay bilang paraan na lan din ng netizen upang matulungan si lolo sa kanyang kasalukuyang kinalalagyan. Hindi lubos maisip ng marami na nakaya ni lolo ang klase ng buhay na naranasan niya ngayon.

Sabi naman ng ibang nakabili ng kanyang mga lugaw, bukod sa kanyang kaawa awang sitwasyon ay masarap talaga ang lutong lugaw ni lolo.

Sa updated post ni Max, marami na ang dumulong sa kanya at nagpaabot ng tulong. May iba rin na pinuntahan talaga si lolo para kumain ng kanyang lugaw.

Ang istorya ni lolo ay isang inspirasyon sa lahat na sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi pa rin siya sumuko at pinagpatuloy lang talaga ang kanyang laban. Marami rin ang naantig ang puso nang nasaksihan nila na marami pa palang mga tao na handang mag abot ng tulong sa mga higit na nangangailangan. 

Source: theartikulouno


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments