Balitang-balita ngayon sa social media ang mga larawan ng mga billboards ng Netflix anime series na “Trese” kung saan, makikitang animo’y sinira ito at mayroong nag-vandalize.
Nito lamang Lunes, ika-7 ng Hunyo, sa Facebook ay ibinahagi mismo ng Netflix ang naturang mga larawan ng nasirang mga billboards kung saan, mayroong nakasulat na mga mensaheng “Layas” at “Siyudad namin ‘to”.
“What kind of monster would do this??? If you see something, say something - we're going to find out who did this,” ang ani pa ng popular na streaming service platform.
Maliban dito ay nagbahagi rin ang Netflix ng ilan pang mga video kung saan, makikita naman na nakunan umano nito ang mga nilalang na sumulat ng naturang mga mensahe sa mga billboard at sumira sa mga ito.
Hindi naman maiwasan ng marami na maintriga tungkol sa pelikula at mga billboards nito na sinira. Ani ng mga netizen, maaari umanong totoo na sinira umano ng mga aswang ang mga billboards o sadyang matalino lamang ang nasa likod ng naturang pelikula at ito ang kanilang paraan ng pagpo-promote ng “Trese”.
Kaya naman, marami ang namangha at nagbigay ng kanilang papuri sa marketing team ng anime series dahil sa bago at kakaibang paraan ng mga ito sa pagpo-promote ng “Trese”.
Ang “Trese” ay ang adaptation o hango sa Filipino graphic novel na “Trese” na isinulat nina Kajo Baldisimo at Budjette Tan. Tampok dito ang mga nakakatakot na nilalang sa Filipino mythology.
Ang aktres na si Liza Soberano at ang Filipino-Canadian actress na si Shay Mitchell naman ang nasa likod ng boses ng mga character sa “Trese”.
Samantala, heto nga ang ilang reaskyon ng mga netizen tungkol sa umano’y pag-vandalized sa mga billboards na ito ng Netfilx anime series:
“The marketing for Trese is really something else..”
“Daaaamnn! Seeing the stories that scares me as a kid back in the province. Hayup! #TabiTabiPo”
“Never thought I would appreciate a billboard that’s being vandalized. Whoever created this idea has a brilliant mind. TRESE IN 5 DAYS!”
“Never cross my mind that Netflix will go extreme in promoting TRESE. Incredible minds are joining forces. Amazing! Congratulations!!!”
“The Trese marketing team is on a different level … I just wanna say that I live for these kinds of promotions. It makes sooo much sense. It operates on the same logic as the product/service it's trying to market.”
Ayon naman sa ilang mga netizen, hindi na umano nakapagtataka kung bakit ganito kaganda at kagaling ang marketing o pagpopromote ng “Trese”. Ito ay dahil ang marketing team umano na nasa likod nito ay siya ring bumuo ng nagviral noon na RC Cola commercial.
Kung matatandaan, pinag-usapan ng husto ng mga tao ang naturang commercial dahil sa pagiging kakaiba nito. Hindi man ito naintindihan agad noong una, naabot naman ng marketing team nito ang kanilang layunin.
Ang nasa likod ng mga kakaiba at nakakamanghang marketing na ito ay ang ad agency na “Gigil Philippines”. Sa galing ng team na ito, kahit nasa quarantine at limitado ang kanilang galaw ay nagagawa pa rin nitong maging creative at makapagbigay ng nakakamanghang serbisyo.
Source: Kiat Media
0 Comments