“It’s a girl!”
Ito ang masayang anunsyo ng aktor na si Neil Coleta sa gender reveal ng kanilang panganay ng kanyang partner na si Jazmin Chinnei, isang ‘Wowowin’ dancer.
Nito lamang ika-7 ng Hunyo ay inanunsyo ni Coleta ang tungkol dito sa pamamagitan ng isang Instagram post. Dito, nagbahagi ang aktor ng ilang mga larawan ng ginanap nilang gender reveal party na inorganisa ng kanyang mga malapit na kaibigan.
Kabilang nga sa mga ito ay ang mga kapwa niya artistang at malalapit na kaibigang sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Jelay Pilones, at Pamu Pamorada.
Ayon sa 29 taong gulang na si Coleta, bagama’t masaya ito na babae ang kanyang magiging panganay, kahit ano pa man umano ang maging kasarian ng kanilang baby ni Chinnei ay ituturing niya itong biyaya. Ani pa nga ni Coleta tungkol dito,
“‘It's A Girl’ yahooooo. Pero para sakin sabi ko nga… kung ano man po kalabasan ng gender okey na po kami dahil blessing po galing sa panginoon. Maraming salamat po… and pangako ingatan namin sya at mamahalin…
“Lalo na sayo Chin Kee alam ko sa mga susunod na araw mas madaming pagsubok ang darating..pero andito lang ako para sayo. Mahal na mahal kita at salamat din sa mga friends and family na sumuporta.”
Samantala, maging si Chinnei din ay nagbahagi ng Instagram post para sa kanilang magiging anak ni Coleta. Gaya ng aktor ay masaya rin ito sa bagong biyaya na darating sa kanilang buhay. Ani pa nito, pangarap umano nilang pareho ni Coleta ang magkaroon ng baby kaya sisiguraduhin nila na sobra-sobra ang kanilang pagmamahal na ibibigay sa kanilang anak.
“We’re having a #babygirl soon. Thank God sa tiwala samen ni @imcoletaneil na biyayanan kame ng malaking blessings, ibibigay namen lahat para kay baby. Mamahalin ng sobra sobra.
“Eto po ‘yung matagal na namin pangarap pareho na magkaron ng baby kaya sobrang happy namin ‘nung una palang nalaman na buntis ako... \ and mahal thankyou sa lahat lahat. You’re the best partner/daddy to us.
“Mahal na mahal ka namen ni baby. Salamat po sa lahat ng sumuporta sa #genderreveal sa family and friends. Godbless us,” ani pa ulit ni Chinnei.
Sina Coleta at Chinnei ay pitong buwan nang magkarelasyon. Kung matatandaan, sa isang Instagam post noong ika-13 ng Pebrero ay unang inanunsyo ng aktor ang pagbubuntis at nalalapit na pagkakaroon nila ng anak ng kanyang girlfriend.
Dito ay agad naman na nagbahagi ng kanilang pagbati sa dalawa ang kanilang mga kaibigan na nasa loob at labas ng showbiz. Kagaya ng mga ito ay masaya rin sila para sa bagong biyaya nina Coleta sa kanilang buhay.
“New Chapter of my Life begins… Will love you both whatever it takes,” ang ani pa tungkol dito ng aktor.
Si Coleta ay kilala sa ilang mga pagganap nito sa mga programa ng ABS-CBN gaya ng “FPJ’s Ang Probinsyano”, “The Killer Bride”, “100 Days to Heaven”, at “Starla”. Ang huli naman nitong pagganap sa pelikula ay nang maging bahagi ito ng Star Cinema movie na “Princess DayaReese”.
Source: whereinbacolod
Source: Kiat Media
0 Comments