Isang Netizen, Ipina Tulfo ang Nestlé Chuckie Matapos ang Nangyari sa Kanyang Anak 'Mag-ingat sa Pagbili ng Chuckie'

Nagbigay ng babala ang isang lalaki sa mga netizen na mag-ingat sa mga binibiling mga inumin gaya lang ng naranasan niya matapos siyang dumulong sa programang Raffy Tulfo in Action para magsampa ng reklamo. 

Sa video ng Wanted sa Radyo sa YouTube, umapela ang isang lalaki na nagngangalang James Daniel Correa. Sa kanyang Facebook post, nagbigay siya ng babala na mag-ingat sa pagbili at pag inom ng Nestlé Chuckie. 

Ayon sa kanyang post, hindi umano siya naniniwala sa mga ganitong mga kumakalat na post tungkol sa inuming ito hanggang siya mismo at ang kanyang anak ang siyang personal na nakakita ng laman ng nabili nilang chuckie. 

Nang pinabuksan daw iyon ng kanyang anak sa lolo nito, sobrang excited daw itong inumin at higupin ngunit maya maya lang din ay binigay niya ang kanyang chuckie sa kanyang lolo. 

Napansin daw ng paslit na kakaiba ang lasa at agad naman nilang tinikaman kung totoo ba talagang kakaiba ang lasa nito. 

Nang matikman nila ang nasabing chuckie, maasim at mapait ang lasa nito. Kaya para masiguro talaga na ligtas ba ang kanilang iniinom, nagpasya siyang gupitin ito at iyon ay nakita niya ang katotohanan na totoo pala ang isyu. 

Ayon kay Daniel, ang laman nito ay parang may lumot at may amag na sa ibabaw. Ang chuckie ay hindi na siya ganung malapot, naging malabnaw na ang inumin. At yung kulay puti na nasa ibabaw ay parang utak.

Sa ipinakitang sample ng nainom nilang Chuckie, hindi naman expire ang nabiling produkto. Nakalagay pa sa pakete ng mismong chocolate drink na October 2021 pa ang expiration date nito.


Sa kabilang linya, nakausap naman ng programa ang msimong katiwala ng Kyla Store na kung saan doon bumili si James ng chuckie na bulok na ang lasa.

Nilinaw naman ni James na sa nabili nilang apat na chuckie, yung dalawa lang yung bulok at yung natira ay okay naman daw yung lasa. Ngunit nung tiningnan nila ng maigi ang,magkaiba ang barcode ng tig dadalawang chuckie na nabili nila. 

Sinabi naman ni James na nakarating na sa mismong kompanya ng Nestlé chuckie at tumawag na ito sa kanya. Ipinaliwanag sa kanya na dahil iyon sa "tiny hole" kaya nagka ganun ang lasa ng chuckie. 

Nilinaw naman ni James na wala siyang balak na mag file ng kaso o kahit anong danyos. Ang sa kanya lang ay maging aware ang lahat sa kanilang mga binibili. 

Basahin ang buong post ni James Daniel:

Beware of Nestlé Chuckie 

Hindi ko naniniwala sa issue nito noon pero mismong kami ang nakaranas kaya naniwala na ako at maging babala sa iba na mas maganda isalin sa baso bago ipainom sa anak,

Hindi pa expire ang chuckie (expiration 15OCT2021) pero ganyan ang laman pinabukas ng anak ko sa lolo niya ang chuckie para inumin ito sa sobrang excited hinigop agad kaya nainom at nalunok ng anak ko sabay bigay agad sa lolo niya dahil sa masamang lasa na noon naman ay hindi nya titigilan ang pag sipsip dito kaya nag pasya kami na tikman at ayun na maasim na mapait ito ng ginupit ito nakita namin ang katotohanan na totoo pala na may issue na ganito hindi namin alam kung sino ang nag kulang dahil kaka bili lang sa Store nito na mismong dinideliver sakanila ng supplier at nailagay naman agad sa refrigerator ito pinalamig bago inumin,

Ps: Dadalahin namin bukas ang sample na nilagay namin sa plastic tsaka ni ref, para di macontaminate para ma check ang sample bukas, 

Lesson Learned wag baliwalain ang mga issue na tulad nito. Baka kayo naman ang makaranas at mas malala kaya mas maganda talaga na maisalin muna sa cup or plastic, 

Edited: Pinalitan nalang ng Store sila nadaw bahala mag report sa nag dedeliver.

STAY SAFE 🤙

#nestlechuckie

#FDA

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments