Scottie Thompson, Inaakusahan Ng Mga Netizen Na Siya Talaga Ang Unang Nanloko Kay Pau Fajardo

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa social media ay ang nag trending na relasyon ng isa sa mga sikat na PBA stars na si Scottie Thompson at ang kanyang long-time girlfriend na si Pau Fajardo. 

Marami ang kinilig matapos nagpropose si Scottie Thompson kay Pau nitong New Year's eve matapos ang kanilang eight-year relationship bilang mag boyfriend at girlfriend. 

Ngunit nitong mga araw lamang, naglabasan ang mga balitang hiwalay na daw sila ng kanyang long time girlfriend at bungad pa nito na nagpakasal na raw sa iba si Scottie Thompson. 

Si Scottie Thompson ay naiugnay sa isang babae na nagngangalang Jinky Serrano na  isang flight attendant. 

Ayon sa mga naging espekulasyon ng mga netizen lalong lalo na sa fans nina Scottie at Pau, ang pagkabuntis daw ni Jinky ang siyang dahilan ng kanyang bilisang pagpapakasal. 

Ayon din sa mga ulat, nangyari ang kanilang kasal matapos lamang ang dalawang buwan.

Sa kasalukuyan, hindi pa nagbigay ng kanilang statement ang magkabilang panig at inamin naman ni Thompson na official na talagang wala na sila ni Pau Fajardo.

Marami ang hindi nagustuhan ang nasabing hiwalayan nina Scottie at Pau. Hindi nakapagpigil ang ilan sa mga netizen at nagbigay ito ng kani-kanilang mga komento. 

"If Jinky Serrano isn't pregnant, then she is so DUMB to marry Scottie Thompson who had been engaged to another woman just  five months ago. Or maybe, they were really the king and queen of cheaters for already being already together while Pau Fajardo is still Scottie's gf…"

Samantala nagpost ang fiancé ni Aljon Mariano na si Kayesha Chua, kaugnay sa kumakalat na isyu at mga espekulasyon ng mga netizen.

 “We’ve been quiet since day 1 because it was their request to keep things private. Same reason why everyone knew about it just now. Do not equate our silence to our ‘lack of support’ for our friends because you know nothing about the things we did for them. NOTHING,” sulat niya sa kanyang post.

“We are extremely saddened by how things unfolded. Never in a million years did we ever imagine this. I just wish he went to us when he needed help, she did, we were waiting, but he didn’t. I just wish he trusted us like how he said we were like family to him but he didn’t…,” sabi niya. 

Dagdag na pa ni Kayesha, kailangan pumili ni Scottie ng choice at pinili niya si Jinky. 

“He had to make a choice. And he chose her. We give him our best wishes & leave him to it. I wish you strength because you’ll need it. I hope she’s worth it.”

Si Scottie Thompson ay isang sikat na basketball player ng Barangay Ginebra ng Philippine Basketball Association.


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments