Hindi na bago para sa aktres at komedyanteng si Kakai Bautista ang makatanggap ng mga panghuhusga at panlalait lalo na tungkol sa kanyang itsura at maging katawan. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay wala nang masasabi sa Kakai tungkol sa naturang mga body shamers.
Sa Instagram, isang mensahe ang ibinahagi ni Kakai tungkol sa mga taong ito na pumupuna lalo na sa kanyang katawan at kulay. Dito, idiniin ni Kakai na ang mga morena at hindi kapayatan ay magaganda kahit pa man marami ang nagsasabi na hindi dahil sa mga mapanghusgang mga Pilipino.
“I have come across so many body shamers these past few days! And I just wanna say that… I do believe that food is very much essential in our lives. I LOVE TO EAT.
“And… pak all that Toxic Filipino culture that ays chubby is not sexy and healthy; black, brown, morena, kayumanggi is not beautiful. Pakdizall!
“REAL TALK. Ang dami kong kilalang payat na may sakit. And it’s not good. I will never be happy with that. Ang dami ko ding kaibigan na morena na haaaay ang solid ng ganda,” pagbabahagi pa nga ni Kakai.
Ayon kay sa komedyante, hindi raw talaga makikita ng iba ang kagandahan ng isang tao kung ito mismo ay hindi rin nakikita ang kanyang sariling kagandahan. Para kay Kakai, mahal na mahal nito ang kanyang sarili kaya ikinalulungkot niya umano na hindi ito makita ng iba.
Maliban dito, maliban sa pagmamahal sa sarili ay ini-enjoy rin umano ni Kakai kung ano siya ngayon at ang bawat segundo ng buhay na mayroon siya. Ani pa nga nito,
“We can never appreciate other people’s beauty if we don’t appreciate ours. SORRY kung ikinalulungkot ng IBA na mahal na mahal ko ang sarili ko. AND I AM ENJOYING every bit of what I am now and every second of my life.”
Kaya naman, isang payo ang iniwan ni Kakai para sa mga body shamers at mga mapanghusgang tao. Saad ng aktres sa mga ito,
“Iksi ng buhay. Wag mong pakialaman ang buhay ng iba. Pakialaman mo ‘yung sa’yo. Gawin mong maganda, masaya, at kapaki-pakinabang.”
Agad naman na umani ng suporta ang post na ito ni Kakai mula sa kanyang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz gaya na lamang nina Sanya Lopez at Kris Bernal na nagbahagi rin ng kanilang sentimento tungkol sa mga body shamers.
Ayon pa nga kay Sanya, maliban sa gandang panlabas ay maipagmamalaki rin umano ni Kakai na mayroon itong ganda ng kalooban na siyang pinagamaganda sa lahat. “Beautiful inside and out” nga raw ito ayon sa aktres.
Samantala, hanga naman umano si Kris Bernal sa confidence ni Kakai sa pagpuna sa naturang mag body shamers. Ani pa nga nito kay Kakai,
“Word! The problem of body shaming and body obsession has got to stop. YOU DO YOU, mars! It's important to see the good in ourselves so we can see the good in others!! I admire your confidence, attitude, and you're nailing it! Always slayin'!”
Source: Kiat Media
0 Comments