Sa isang mag couple, maraming mga goals ang ipinapatupad sa isang relasyon. Katulad na lang ng mga kakaibang mga "jowa challenge" na siyang kinagigiliwan ng mga mag jowa ngayon.
Maraming mga nag viral na sa Facebook tungkol sa mga jowa na nag trending sa social media tungkol sa kanilang mga posts na mga viral jowa challenge.
Katulad na lamang sa isang post na kinagigiliwan ngayon ng mga netizen matapos ibinahagi ng mag jowa na si Jefter Inso at si Sheila Dagohoy na naka ipon ng Php 25,440 sa loob ng isang taon.
Kita sa post ng dalawa sa Facebook ang dalawang container ng pera na naglalaman ng paper bills at coins na na nagkalat sa sahig.
May mga tig Php 50, Php 20, Php 100, Php 500 at Php 1000 na nakalagay sa isang container na naglalaman ng mga paper bills.
Marami ang naantig sa nasabing post ng mag jowa at heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:
"Mag sa sana all talaga ako dahil wala akong jowa. Sino kasama ko mag-iipon hahahhaha.. Ganito sana Huwag na mag sana all diyan! Mag-ipon ka ng jowa! Lahh very wrong."
"Dapat sana may contract with witness and notaryo na naglalaman ng kasunduan in case na maghihiwalay. Ang siyang makipaghiwalay, walang share.
Hindi na tayo kumpyansa sa panahon ngayon."
"Maghiwalay na kayo tapos hatiin nyo."
Kaya pala wala akong naipon kasi by partner pala."
Marami ng mga ganitong klase ng mga jowa challenge ang nag viral at tiyak kinaaantigan ng marami na siyang dahilan na marami ring mga walang jowa ang nangarap na ring magkajowa.
Sa panahon ngayon, laganap na rin ang mga cheating at third parties na nakapagpa bitter sa mga taong iniwan at labis na nasaktan dahil sa pag-ibig.
Katunayan, swerte na lang talaga na makakahanap ka ng taong aalagaan ka at handang intindihin at damayan ka sa lahat ng oras.
Hindi rin maipagkakaila na marami ang nangarap na makahanap ng kanilang special someone na susuportahan sila sa lahat ng gusto nilang gawin at sa mga bagay na kung saan sila masaya.
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments