Matapos ang magandang bakasyon ng aktres na si Lara Quigaman kasama ang kanyang pamilya sa Cebu, inamin ng aktres na kinailangan siyang dalhin sa ospital dahil sa kanyang iniindang karamdaman.
Sa kanyang sunod-sunod na mga Instagram stories, dito na ibinahagi ni Lara ang kanyang karanasan magmula nang sumama ang pakiramdam ng aktres.
Kwento ng aktres, kababalik lang nila umano mula sa isang masayang bakasyon nang nagsimulang makaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan.
“Sobrang nag-enjoy kami sa Cebu, pero napagod rin pala ako,” pagbabahagi ng aktres.
“Pag-uwi sa bahay, naramdaman ko ang sobrang pagod. Pati likod ko sobrang sakit.
“May tatlong bata pang sobrang clingy at medyo ‘di ko kinaya. I had a meltdown.
“Naiyak ako at sabi ko sa sarili ko, gusto ko lang muna mag-isa. Magpahinga. Gusto ko ng tahimik… Maya-maya, nilagnat na ako, nag-chills,” pagpapatuloy niya.
Makalipas ang dalawang araw ng pagkakaroon ng mataas na lagnat at panginginig, dito na isinugod ang aktres sa ospital.
Nanatiling nasa isolation muna ang aktres habang kinukuha pa noon ang kanyang result mula sa COVID-19 test.
Laking pasasalamat ng aktres nang nalaman niyang negative ang naging resulta ng kanyang COVID-19 test.
“I felt guilty for wanting to rest, I got what I wished for, but it was horrible, I was in pain and shivering, and alone.
“But God knew I needed to rest. He reminded me that my children will survive without me. That I also need to take care of me.
“I spent 3 nights in the hospital. The first 2 nights were horrible because I still had high fever, pain and chills, but the last night — I think tulo laway tulog na ako,” paglalahad ng aktres.
Sa sumunod na Instagram story ni Lara, nag upload siya ng kanyang selfie photo sabay caption ng, “Nakapag-selfie na ako dito kasi pinayagan na ako umuwi ng doctor. Acute pyelonephritis. I was given antibiotics via IV. Now getting better. Thank you, Jesus!”
Sa isa pang sumunod na Instagram story ng aktres, ibinahagi naman niya ang photo kasama ang mga natutulog nilang anak.
“Back home. Balik siksik na naman sila… Okay na ako. Will remember to rest and take it easy. And to ask for and accept HELP.”
Pinasalamatan din ni Lara ang kanyang mga kaibigan at lalong lalo na ang kanyang pamilya na nagdarasal umano para sa kanyang fast recovery.
Nagbigay din ng paalala ang aktres sa kanyang mga followers na matuto ring pahalagahan ang sarili at magpahinga kapag kinakailangan.
“The world can and will go on while we rest,” saad niya.
Source: Kiat Media
0 Comments