Mister ni Dani Barretto, Niresbakan ang mga Bwelta ng mga Bashers; Alamin Dito!

Deadma kumbaga ang mag-asawang Dani Barretto at Xavi Panlilio laban sa mga mapanirang komento at mga maintrigang netizen na tila ba ay gusto ng manghimasok sa buhay nilang mag-asawa. 

Minsan kasi naging usap-usapan ang aktres na si Dani Barretto at ang ama nito na si Kier Legaspi matapos ang panayam nito sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo.

Sinabi ni Dani sa sa video sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo, hindi sila ganoon ka close ng kanyang ama. Batid pa niya, hindi na niya ito nakikita o nakakasama sa loob ng pitong taon. 

Ayon sa ina ni Dani na si Marjorie, nagkaroon sila  ng away ni Dani at ng kanyang ama isang gabi. Pagkatapos ng pag-aaway na iyon ng mag-ama, hindi na nila ito naayos. 

Inamin naman ni Dani na sinubukan niyang mag reach out sa kanyang ama at katunayan nga, tumira pa raw siya ng tatlong buwan kasama ang kanyang ama.

Sabi pa ni Dani, hindi raw niya maalala na nag celebrate siya ng kanyang birthday kasama ang kanyang ama. Dito, nag react si Kier Legaspi at tila ganadong magpa interview para naman malaman ang side niya at kung ano talaga ang katotohanan. 

Maraming nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa isyu at kabilang na rito ang sikat na talent manager na si Ogie Diaz.

Nakausap raw ni Ogie Diaz si Kier kasama na rin ang maybahay nitong si Jen. Marami na rin daw kasing mga netizen ang nag re-request na magpa interview ang aktor kay Ogie para bigyang linaw na ang naturang isyu.

Tahimik naman ngayon si Dani at tila ini-enjoy ang oras kasama ang kanyang asawa na si Xavi at ang kanilang anak na si Millie.

Sa katunayan, kababalik lang ni Dani kasama ang kanyang asawa at anak mula sa kanilang bakasyon sa Bohol. 

Ibinahagi naman ni Dani sa kanyang Instagram account kung gaano sila kasaya at pinapakita talaga nila na hindi sila apektado sa mga bumabatikos sa kanila.

“Anywhere with these two is Paradise. (heart emoticon) much needed family vacation!

“Millie was able to run, play, and swim all day. Xavi and I were able to relax and have our alone time too.

“Ahhhh it was everything!” caption ni Dani sa kanilang napaka cute na photo habang nasa kanilang bakasyon sa Bohol.

Hindi naman nagpahuli ang kanyang asawa na si Xavi at nag post din ito ng mga photos ni Dani at ng kanilang anak na si Millie.

“People can try as hard as they want, but nobody can break a happy home.

“For those who try to taint such a beautiful thing, I hope you find inner peace and love in this lifetime.

“I have a beautiful child, I have a beautiful wife, and I have a beautiful life. There’s so much to be thankful for!” caption nito sa nasabing post.

Source: bandera

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments