Ginang na Nangutang, Ninudnod ang Mukha sa Mesa ng Isang Retired Chief of Police

Hindi talaga maipagkakaila na dahil sa hirap ng buhay, mapipilitan tayong manghiram ng pera sa mga kakilala natin para lang may panggastos sa araw-araw nating pangangailangan. Dulot din ng pandemya, maraming mga tao ang nawalan ng trabaho dahil sa maraming mga establisyemento ang nagsara.

Kagaya na lamang ng isang ginang na nag viral ngayon sa Facebook matapos ninudnod ang kanyang mukha sa lamesa ng isang retired chief of police sa Gubatan Magpet kahapon. 

Ang dahilan daw ng labis na pagkagalit ng pulis ay ang hindi pagbabayad ng kumpleto sa utang nito, kumbaga hindi pa na impass ang utang nito.

Agad dumulog ang ginang dahil sa nangyari. Lumapit siya sa Brigada News FM Kidapawan. Sa naging panayam ng Brigada sa reklamante na si Angeline Mendoza, sinabi niyang pinatawag daw siya sa nasabing lupon at para magharap sila ng retired Chief of Police na si Susana Guhiling. 

Ayon pa kay Mendoza, nung dumating siya sa opisina ng nasabing retired Chief of Police, tinanong agad nito ang kanyang pangalan at nung nalaman ang kanyang pangalan ay agad umanong hinawakan ang kanyang buhok at ninudnod sa mesa ang kanyang mukha. 

Nasugatan din si Angeline sa kanyang kanang braso dahil sa natamaan ito sa kuko ng nasabing retired Chief of Police. 

Dagdag pa ng biktima, matapos ang mga ginawa sa kanya ng retired Chief of Police, umupo siya sa upuan at tinangkaan pa siyang batuhin ng baso at hampasin ng bangko. 

Sinabihan pa umano ang biktima na ikakarga siya sa police car kapag hindi siya nagbibigay ng 20K [twenty thousand] pangtapal lang sa kulang niyang 30K na utang [thirty thousand] pesos.

Wala raw nagawa ang lupon ni Guhiling at hanggang sa pag awat na lang sila sa ginawa ng retired Chief of Police. 

Nakatakda na ang paghaharap sa Barangay Hall sa Poblacion Magpet Cotabato sa dalawang partido ang dalawang partido. 

Desididong desidido si Angeline na sampahan ng kaso ang nasabing retired Chief of Police. 

Si Guhiling ay nanilbihan bilang Chief of Police sa Arakan at President Roxas Towns bago ito nag retiro sa kanyang serbisyo. 

Pinuntahan ng Brigada News FM ang kinaroroonan ni Guhiling para kunin ang kanyang panig ukol sa nangyaring isyu. Ngunit sabi niya na hayaan na lang na ang korte ang magdesisyon sa nangyari. 

"Let the court decide," sabi ni Guhiling. 

Marami naman sa mga netizens ang nagpakita ng kanilang pagkampi kay Guhiling dahil umano'y hindi madali na utangan ka ng isang tao na hindi naman nagbabayad ng maayos. 

Heto ang ilang sa mga komento ng mga netizen:

"Kaso.x daun aron ty ang utang lols 😂"

[Kaso agad para ty na lang ang utang]

"DAPAT UTANG BAYARAN AGAD."

"Ok lang unta mg utang basta Responsible lang mgbayad...

Makastresss...utang lipay2x..lage bayad Likay2x....utang pa more😥😥"

[Ok lang sana mangutang basta responsable lang magbayad. Makastress.. utang.. happy2x ..lage bayad iwas iwas… Utang pa more]

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments