Isang OFW, Nagmamakaawang Paiksihin ang Kanyang Quarantine Period Para Makapiling pa ang Anak Bago Ilibing

Ang pagkakaroon ng pandemya ang siyang nagpabago talaga sa takbo ng buhay ng bawat tao. Maraming mga establisyemento ang nagsara na at dulot nito ay maraming mga tao ang nawalan ng trabaho. 

Maging ang pagtravel sa ibang bansa ay naging strikto na rin dulot ng mahigpit na safety protocols. Kaya labis na naapektuhan ang ating mga OFW's na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. 

Maraming mga requirements ang dapat tuparin at kailangan talaga na dadaan muna sa strict quarantine period para lang masiguradong hindi positibo sa COVID-19 ang isang tao galing sa ibang bansa at para na rin maprotektahan ang kanilang mga mahal sa buhay. 

Ngunit para sa isang OFW na ina, wala na siyang ibang hihilingin kundi paisihin ang kanyang quarantine period para makapiling man lang niya ang kanyang anak bago ito ilibing. 


Emosyonal na nagmamakaawa ang isang OFW na si Rosamil Saranza na tatlong araw pa lang na nasa bansa na paiksihin ang kanyang quarantine para makaabot pa siya sa libing ng kanyang anak. 

Nang nagsimulang manghina na ang kanyang anak, tanging sa video call lang sila nag-uusap dahil milya milya ang layo ni Rosamil kay Cherry Mae. Nasa United Arab Emirates (UAE) si Rosamil. 

Masakit para ni Rosamil na makita ang kanyang anak na ganun ang sitwasyon at isa pa ay wala umano siyang magawa dahil tanging sa video call lang niya nakikita ang kanyang anak. 

Nabalitaang pumanaw ang kanyang anak na si Cherry Mae noong Hulyo 7 na kabilang sana sa mga completers sa Grade 10. 

Nalaman na lang na may namuong dugo sa ulo ni Cherry Mae at naputukan siya ng ugat dahilan ng kanyang biglaang pagkamatay. Ang nasabing dahilan daw dito ay ang pagkawili ng kanyang anak sa mga mobile games at ang matinding pagpupuyat. 

Dahil sa hirap ng proseso ng pag-uwi dulot ng pagpapatupad ng mga strict quarantine rules at mga basic protocols, nitong Hulyo 12 lang nakauwi si Rosamil. 

Sinabi niyang nagmakaawa talaga siya dahil gusto niyang makita ang kanyang anak kahit sa huling hantungan nalang nito.

Hiling din niya na sana dinggin ang kanyang pakiusap na paiksihin na lamang ang kanyang quarantine period para maabutan pa niya ang kanyang anak bago ito ilibing. 

Nagmamakaawa po sa inyo sa kahuli hulihang pagkakataon, pagbigyan niyo na makasama ko ng saglit ang anak ko," pakiusap ni Rosamil. 

Sinubukang kunin ang statement ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 ngunit alinsunod sa Resolution No. 92 ng IATF, nasa pagpapasya ng DOH kung mapapaiksi ang quarantine ng isang returning OFW depende kung highly exceptional o medical na rason. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments