Driver ni Jugs Jugueta, Dumulog sa Raffy Tulfo in Action Upang Humingi ng Payo


Kamakailan lang, dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang naging driver ng artistang si Jugs Jugueta sa loob ng sampung taon. Ngunit, kaiba sa mga tipikal na sumasangguni sa programa, walang anumang paninira na binitiwan o sinabi ang driver laban kay Jugs.

Sa programa, noong una ay inirereklamo ni Gavino Dayadante ang tungkol umano sa pinapamirmahan sa kanya ni Jugs na animo’y resignation letter na hindi siya ang gumawa at tungkol sa kanya umanong mga benepisyo tulad ng SSS, Pag-ibig, at PhilHealth na hindi hinulugan ni Jugs.

“Ang kino-complaint ko po sa kanya ay ‘yung aking SSS at PhilHealth po ay hindi niya pa po nababayaran simula noong ako po ay nag-umpisa…

“Tapos po, ngayon po ay gumawa po siya ng letter na ako po daw ay kusang umaalis sa kanya na hindi raw ako pupwedeng magreklamo sa kahit anumang ahensya ng gobyerno. Instead po na tinatanggal niya ako ngunit pinapalabas niya po roon sa letter of agreement na ako daw po ang kusang umaalis,” ani pa ni Gavino.



Dagdag pa umanong demand ng driver kay Jugs ay ang kanya umanong separation pay.

Ayon kay Gavino, sa sampung taon na pagtatrabaho nito kay Jugs bilang personal driver nito ay nagsimula umano sa Php 10,000 ang kanyang sweldo hanggang sa ngayon na lumaki na sa Php 18,000.

Pagbabahagi pa nito, maayos umano ang relasyon nila ng kanyang amo na si Jugs at sa katunayan ay nakakatulong pa umano ito sa kanila.

Sa pag-alis nito bilang driver ni Jugs, mayroon umanong ini-offer sa kanya ang huli na perang Php 90,000 bilang kanyang separation pay ngunit hindi niya umano ito tinanggap dahil sa pinapipirmahan sa kanya ni Jugs.

Upang malinawan si Gavino, isinangguni ni Raffy ang kanyang reklamo sa kanilang abogado. Dito, nalinawan ang driver sa mga dapat umano nitong gawin tungkol sa kanyang mga inirereklamo.


Ayon sa naturang abogado, ang separation pay umano ni Gavino ay base umano sa magiging resulta ng halagang kalahati ng kanyang sweldo sa bawat taon na nagtrabaho siya kay Jugs. Kaya naman, kung kukwentahin ay tama o mahigit pa umano ang perang Php 90 000 na ini-ooffer dito ni Jugs. Kung kulang man, maliit lamang umano ito at maaari lamang nilang mapag-usapan.

Tungkol naman sa dokumentong pinapapiramahan sa kanya nito, ang tawag umano rito ay waiver release and quitclaim. Dito, sinisiguro lamang umano ni Jugs ang kanyang sarili sa anumang paninira na pwedeng ibato sa kanya. Ngunit, dahil ayon na mismo kay Gavino ay maayos at walang anumang hindi maganda sa pagitan nila ni Jugs ay pinayuhan ito ng programa na pumirma na lamang.

Sa usapin naman ng mga benepisyo nito, ayon sa abogado ay dahil personal driver umano si Gavino na nasasailalim bilang isang domestic helper, hindi umano obligado si Jugs na siyang mismo ang maghulog ng mga kontribusyon nito. Kaya naman, desisyon na umano ni Gavino kung ipipilit nito ang reklamo.


Sa huli, nalinawan si Gavino sa kanyang mga naging reklamo at sinabing susundin ang payo ng programa na tanggapin ang ibinibigay at pinapapiramahan sa kanya. Base kasi sa mga pahayag nito, maayos naman ang samahan at pasweldo sa kanya ng singer.

Ayon naman sa mga netizen, wala umanong dapat na ireklamo pa si Gavino dahil kung tutuusin ay maayos at malaki na umano ang pasweldo at separation pay na ibinibigay sa kanya ni Jugs. Pinuri pa nga ng mga ito ang host at singer dahil sa bait at pagiging maayos umano nitong amo.


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments