Misis Sinundan Ang Kotse Ng Mister At Nahuli Sa Akto Na Sakay Ang Kanyang Kabit


Nabuking ng misis ang panlolokong ginawa ng kaniyang asawa, matapos itong kutuban at sundan ang sasakyan ng huli.

Nabuking ng misis ang panlolokong ginawa ng kaniyang asawa, matapos itong kutuban at sundan ang sasakyan ng huli.

Hindi maikakailang, marami nang mga pangyayari kung saan nahuhuli ang mga pangangalunya ng mga asawa, mister man o misis. Ang iba pa nga sa ito'y nakuhanan ng video at nag-viral

Katulad na lamang ng pangyayaring ito sa Thailand, kung saan nagkakaroon na ng ideya ang misis ukol sa pagtataksil ng kaniyang mister. Kaniya itong sinundan, sakay ng motorsiklo, hinabol ang kotse ng lalaki. 



Nang huminto na ang sasakyan, lumabas ang kaniyang asawa. Sa tagpong iyon, nakita niya ang kabit ng huli, suot ang damit na tila kinulang sa tela. 

Pinapababa ito ng misis ngunit hindi ito bumaba sapagkat natatakot itong matikman ang galit ng isang babaeng pinagtaksilan. Ngunit nahagip ng misis ang bag ng babae at inilabas ang mga laman nito. 

Lumantad sa harapan nito ang ilang condom at samu't-saring aparatong minsa'y ginagamit sa pagtatalik, na lalong nakapagpasiklab sa galit ng misis. 



Pinaulanan nito ng salita ang babaeng nagkukubli sa sasakyan, doon na ito simubukang awatin ng mister. Giniit pa nitong isa lamang iyong hindi pagkakaunawaan at walang ibang nangyayari sa kanila ng babae.

Ngunit, matapos na hindi makinig ng asawa, bigla na lamang nitong hinataw ang sasakyan paalis. Iniwan ang babaeng kaniyang pinakasalan, at sumama sa babaeng kaniya nang kinababaliwan. 

Ang pangangalunya ay mayroong karampatang parusa rito sa Pilipinas. Kung ang lalaki ang nagtaksil tinatawag itong Concubinage kung saan maaaring masintensiyahan ng anim na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwang pagkakakulong. Ngunit kung babae naman ang nangalunya, maaaring mapatawan ng dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkakabilanggo sa kasong Adultery

Mabibigay lamang ang ganitong kaparusahan kung magsasampa ng kaso at mayroong sapat na ebidensiya. 

Kasalanan ang pangangalunya. Labag ito sa batas at mali ito sa mata ng Diyos.


Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments