Chiong Sisters, Posible nga Bang Buhay pa at Naninirahan Lamang sa Ibang Bansa?


Muli na namang nabuhay ang kontrobersiyal na kaso kaugnay ng Chiong sisters na umano’y ginahasa at pinatay noong 1997 ng pitong lalaki sa Cebu.

Ito ay matapos ang pagkalat ng ilang mga larawan kung saan, makikita umano ang magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong na buhay na buhay at maayos na naninirahan sa ibang bansa kasama ang kanilang pamilya.

Sa naturang mga larawan, malaki ang hinala ng publiko na sina Marijoy nga at Jacquiline ng ang nasa naturang mga larawan kung saan kadalasan ay kasama pa ang kanilang mga magulang at kapatid. Hindi umano maipagkakaila sa mga larawan na ito ang malaking pagkakapareho sa mga mukha nina Marijoy at Jacquiline.

Ang kaso na ito ng Chiong sisters ay nabalot ng mga kontrobersiya at pagkalito na nagdulot sa pagkakakulong ni Paco Larrañaga at ng anim pang lalaki na umano’y inosente sa naturang krimen.



Si Paco ay isa sa mga pinaka-itinuturo na umano’y kasama sa pumatay sa magkapatid na Chiong. Ngunit, base sa mga ebidensya na nakalap ay malayo na ito ay mangyari.

Sa pagitan ng July 16 at July 17 noong 1997, ginahasa at pinatay umano ang magkakapatid sa Cebu kung saan, natagpuan ang umano’y bangkay ni Marijoy ngunit hindi na natagpuan pa ang katawan ni Jaquiline.

Hindi umano naipa-DNA ang test ang naturang bangkay na nakita kaya naman hindi umano sigurado kung ito ba talaga ang katawan ni Marijoy.

Noong mga araw na umano’y nangyari ang krimen, nasa Maynila si Paco dahil doon ito nag-aaral. Patunay dito ay ang mga rekord ni Paco sa paaralan at larawan nito kung saan kasama niya pa ang kanyang mga kaibigan na nagkakasayahan.




Wala din umanong rekord sa paliparan si Paco na lumipad ito sa Cebu noong mga araw na iyon. Ngunit, sa kabila ng matibay ng mga ebidensyang ito para depensahan si Paco ay binasura itong lahat ng korte.

Habang dinidinig ang naturang kaso, isang suspek din ang lumitaw at sinabing kasama umano ito sa mga lalaking gumahasa at pumatay sa magkakapatid. Dahil sa kanyang mga pahayag ay ginawa itong witness ng kaso.

Ngunit, ang nakapagtataka umano ay ang mga nakunang pagbisita umano ng ina ng magkakapatid na Chiong sa suspek na ito sa kulungan at mayroon pang dalang mga regalo.

Kalaunan, pinakawalan ng korte ang naturang suspek dahil sa pagiging saksi umano nito sa kaso habang sina Paco naman at iba pang mga lalaki ay unang nahatulan ng bitay.




Dahil sa pakikialam ng UN at Espanya kung saan isang citizen si Paco, naibaba ang hatol sa kanya at kanila sa habang buhay na pagkakakulong. Umapila din ang pamilya ni Paco na mailipad ito sa Espanya at doon na lamang tapusin ang kanyang sentensya.

Nasa Espanya ngayon si Paco at patuloy pa rin na nakakulong. Mapa hanggang ngayon, naninindigan ito na inosente ito sa lahat ng mga ibinato sa kanya kaugnay ng kaso ng Chiong sisters.

Ilang taon ang nakalipas, muling gumagawa ng ingay ang kontrobersyal na kasong ito matapos ang atensyon na nakuha nito sa publiko at dahil na rin sa umano’y mga larawan ng Chiong sisters na buhay na buhay naman daw.


Source: facebook
Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments