Masayang pinasalamatan ni Manila Mayor Isko Moreno ang grupong Golden Alliance PH dahil sa mga donasyon na ibinahagi nito kay ‘Mali’.
Si Mali ay isang elepante na mahigit sa 40 taon nang naninirahan sa Manila Zoo at sikat din si Mali sa publiko.
Ang Golden Alliance PH naman ay isang grupo sa bansa kung saan, binubuo ito ng mga fans o tagahanga ng Korean idol na si Jeon Jungkook. Si Jeon Jungkook ay isa sa pitong miyembro ng sikat na Korean group na BTS.
Ayon kay Mayor Isko, nagpapasalamat umano ito sa Golden Alliance PH dahil sa pagbabahagi ng mga ito ng donasyong pagkain at kagamitan para kay Mali. Ang pasasalamat niyang ito ay ibinahagi ni Mayor Isko sa Twitter.
“Nagpapasalamat tayo sa Golden Alliance PH, ang Pinoy fanbase ng K-Pop idol na si Jeon Jung Kook ng BTS dahil sa pag-dodonate nila ng mga pagkain at kagamitan para kay Maali, ang ating elephant sa Manila Zoo na inaalagaan din ng mga kawani natin mula sa Public Recreation Bureau,” ani pa dito ni Mayor Isko.
Maliban dito, pinasalamatan din ni Mayor Isko ang buong fandom ng grupong BTS na Army. Saad pa ni Mayor Isko,
“Muli, thank you po sa inyong pagmamalasakit, ARMYs! Pag-ingatan po ninyo ang inyong mga sarili!”
Kaugnay nito, sa Facebook ay nagbahagi rin ng pasasalamat ang official Facebook page ng Manila Public Information Office. Saad naman rito,
“TINGNAN: Lubos na pinasasalamatan ng Public Recreation Bureau - Manila (PRB) ang Golden Alliance PH o ang Filipino fanbase ng BTS member na si Jeon Jung Kook dahil sa paghahandog nito ng mga pagkain at kagamitan para sa 47 taong gulang na elepante sa Manila Zoo na si Maali.”
Marami naman ang natuwa sa ibinahaging ito ni Mayor Isko at Manila PIO na magandang balita para kay Mali kung saan karamihan ay mga tagahanga ng BTS.
Heto ang ilan sa mga komentong ibinahagi ng mga netizens at ng ilang ARMY’s tungkol dito:
“Most generous fandom, indeed. BTS is such a good role model to us.Im beyond proud.”
“Goodjob co-Armys. Jungkook will be so proud of y'all.”
“Magkaroon sana ng kasama si Mali dyan sa manila zoo kahit mga ilan pa elepante.”
“Sana ito ang next project ni Mayor, ang mapaganda ulit ang MANILA ZOO. Sayang naman kasi tourist spot sya.”
Ang Korean boy group na BTS ay isa sa pinakasikat na boy group ngayon hindi lamang sa Korea kundi sa iba’t-ibang mga bansa. Maliban kay Jeon Jungkook, ang iba pang mga miyembro ng BTS ay sina V, Jimin, Jin, Suga, RM, at J-hope.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang mga kantang Black Swan, Boy With Luv, ON, Dionysus, at ang pinakabago nilang kanta na Dynamite.
Tanyag din ang grupong ito sa pagkakaroon ng record breaking na mga views sa Youtube at sa pagiging tanyag ng kanilang kanta sa halos buong mundo.
Sa katunayan, ang pinakabago nilang kanta na ‘Dynamite’ ay siyang tinaguriang “first all-South Korean act to top the US singles chart”.
Source:
INQUIRER
Source: Kiat Media
0 Comments