ACT-CIS Rep. Eric Yap tinawag na mukang virus si Jover Laurio
Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni ACT-CIS Representative Eric Yap patungkol sa isang kilalang anti-duterte blogger na si Jover Laurio.
Matatandaan na sa kasagsagan ng budget hearing ng Office of the President ay direktang binanatan ni Rep. Yap si Pinoy Ako Blog dahil umano sa maling impormasyon na ipinapakalat nito.
Nilinaw ni Yap na hindi niya umano alam na ipinangalan ng head ng hospital ang naturang building sa kanya, ngùnit ng malaman niya umano ito ay agad niyang kinausap ang tauhan ng naturang hospital upang alisin ang kanyang pangalan.
“Ngayon po, ang akin lang po, para kay Jover [Laurio], nakita ko po ‘yong page niya eh. Lahat na lang po puro galit, puro maling impormasyon.” saad pa ni Yap.
“Iisa lang po ang tama sa impormasyong pinost ‘nya, kung saan mayrooon doon na mukha niya na pinapakita niya ano po ang itsura ng C0VID kung ito ay magiging tao,” dagdag pa nito.
Dahil dito agad na bumwelta si Pinoy Ako Blog sa naturang pahayag ng kongresista at sinagot ang panlalait sa kanya.
“Una ang isyu, bawal kasi ang epal sa mga elected officials na gaya mo. It’s in the law po,” sagot pa ni Laurio.
“Instead na laitin mo ako, dapat nga nagpasalamat ka kasi , when I called you out it led you to decide to do the right thing,” dagdag pa nito.
Kilala si Jover Laurio o mas kilala bilang Pinoy Ako Blog na isa sa mga kritiko at masugid na bumabatikos sa administrasyong Duterte.
Jover laurio na isang bayarang blogger ng mga dilawan.. Nakatikim ng kahihiyan kay Rep.Eric Yap sa Congreso kung ano daw itsura ng covid kung naging tao ito.
Posted by Ariel Jade Lupez on Monday, September 14, 2020
Source: News Clicks
0 Comments