LOOK: Ang mga Tweet Noon ni Maine Mendoza na Ngayon ay Nagkatotoo na!


“When you have a little touch of Nostradamus in you. Maine Mendoza telling everyone that if you have a dream, then go tweet for it.”

Ito ang naging pahayag ng isa sa mga fans o tagahanga ni Maine Mendoza na si Miggy Pascual matapos nitong i-compile ang ilan sa mga naging tweet noon ni Maine na kalaunan ay nagkatotoo.

Nakakagulat man, totoong nagkatotoo ang mga Twitter post na ito ni Maine kung saan, ang isa sa mga pinaka pinag-usapan ay ang naging tweet nito noong 2010 tungkol kay Arjo Atayde.

“Arjo cutie,” tweet pa noon ni Maine.

Dito, hanggang paghanga lamang si Maine kay Arjo ngunit ngayon, nakakatuwa na boyfriend niya na ito. Kilig na kilig naman dito ang mga netizen na hindi makapaniwalang nagkatotoo nga ang dating tweet ni Maine ilang taon na ang lumipas.






Hindi lamang ito ang tanging tweet ni Maine na nagkatotoo.

Noong 2010, mga taong hindi pa ito kilala bilang isang malaking artista, nagbahagi ng tweet si Maine na animo’y isa siyang VJ sa MYX Philippines.

Nito lamang April, 2020, nagkatotoo ito matapos maging isa si Maine sa mga Celebrity VJ ng MYX.

“Gusto ko rin mabuhusan ng slime. Hahaha! Nickelodeon?!,” tweet naman ulit ni Maine noong 2010. Ngunit, noong 2016, nanalo lang naman ito bilang ‘Pinoy Favorite Personality’ ng Nickelodeon Kids’ Choice Award!

Bago naman maging kauna-unahang Pinay na endorser ng MAC Cosmetic lipstick, noong 2010 ay mayroon ding ibinahaging tweet si Maine tungkol dito. Aniya,

“Wow! Cyndi Lauper and Lady Gaga Mac Lipstick. Coooool.”




Kund dati rin ay hanggang kilig lamang si Maine kay Jake Cuenca base sa isa nitong naging tweet, noong 2019 ay naka-loveteam lang naman niya ito para sa pelikulang ‘Mission Unstapabol: The Don Identity’.

Bago pa man magsimulang sumikat noong 2015 bilang si Yaya Dub, nagbitaw rin ng tweet si Maine noong 2010 na sinasabing, “One day, you’ll see me in TVs.”

Nang sumikat na si Maine at nagkaroon ng maraming mga programa at pelikula, ito ang naging isa sa pinakasinusubaybayang personalidad sa Twitter hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Ngunit, pinangarap lamang ito noon ni Maine at wala itong kaalam-alam na nakatakda siyang maging ganito kasikat. Ani niya pa nga ulit noong 2010 sa isa niyang tweet,

“Ang sarap siguro ng feeling pag artista ka. Haha. Wala lang. ;)”





Nagbibiro lamang din noon si Maine na baka ito na raw ang maging susunod na superstar ng bansa. Ang hindi nito alam, matapos lamang ang ilang tao ay magiging isa talaga itong superstar.

Sa isang tweet, pinangako noon ni Maine na magiging ‘proud’ umano sa kanya ang kanyang mga magulang. Mula 2015, natupad nito ang kanyang pangako sa mga ito dahil sa taong ito nagsimula ang mga pagkilala at pagsuporta na kanyang natanggap mula sa publiko.

Ang lahat ng mga ito ay walang kamalay-malay na natupad ni Maine na ayon pa sa mga netizen ay isang malaking “Sana All”.

Bagama’t alam naman ng lahat na ‘deserve’ at pinagsikapan ding lahat ni Maine ang lahat ng kanyang mga narating, ani ng mga netizen ay wala naman umanong mawawala kung maniniwala ang mga ito na talagang nakatakda na na matupad ang lahat ng mga pinangarap noon ni Maine.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments