Pangulong Duterte may mensahe sa mga Pinoy: “Wag ho sana kayong maniwala diyan sa mga dilawan, opposition na hampas dito, hampas doon”
Naging viral ngayon sa social media ang tungkol sa naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung saan nanawagan ito sa publiko na huwag maniwala sa mga sinasabi ng mga oposisyon.
Sa kanilang pagpupulong nitong nakalipas na araw, nanawagan si Pangulong Duterte sa publiko na huwag maniwala sa mga ‘dilawan’ at pati na rin sa mga ‘oposisyon’ dahil puro paninira lamang umano ang kanilang sinasabi.
“Wag ho sana kayong maniwala diyan sa mga dilawan, opposition na hampas dito, hampas doon,” ayon pa kay Pangulong Duterte.
“As long as the virus lives in this planet we are in real danger.” dagdag pa nito.
Isang paninira lamang umano ang laging lumalabas sa bibig ng mga oposisyon kaya dapat huwag umano maniwala ang publiko sa kanila.
“We did not join government to lie. Bakit kami magsinungaling? Hindi namin trabaho ‘yan,” saad pa ng Pangulo.
Matatandaan na binatikos ng mga kritiko at ng mga oposisyon ang mga proyektong ginagawa ng administrasyon.
Katulad na lamang ang pag rerehabilitasyon sa Manila Bay na kung saan umani ito ng iba ibang reaksyon mula sa publiko lalo na ang paglalagay ng white sand sa naturang lugar.
Marami ang bumatikos sa proyektong isinasagawa ngayon sa Manila Bay dahil ayon sa mga kritiko ay napaka insensitibo umano ng gobyerno dahil mas inuna pa na gastuhan ang naturang proyekto kaysa ibili nalamang ng pagkain para sa mga mahihirap.
Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19President Rodrigo Roa Duterte convenes several Cabinet members to discuss the government's latest efforts in overcoming the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) and the new policies that shall be implemented as the country continues to adapt to the new normal standards.President Duterte urges his 'kababayans' to not be complacent and properly observe the wearing of face masks and face shields at all times, and calls upon business establishments and sports activities to follow minimum public health protocols.As the nation continues to face challenges brought about by the pandemic, President Duterte emphasizes that keeping every Filipino and the communities safe and healthy until a vaccine arrives is key in winning the war against the virus.#HealAsOne#2020DuterteVision#DuterteLegacy#ComfortableLifeForAll#PartnerForChange
Posted by Presidential Communications (Government of the Philippines) on Monday, September 14, 2020
Source: News Clicks
0 Comments