Lito Atienza tinawag ang Manila Bay white sand project na ‘Walang kwentang proyekto!’

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay na kung saan binubuhusan ito ngayon ng white sand upang mas lalong mapaganda ang naturang lugar.

Ngùnit sa kasamaang palad ay umani ito ng iba ibang reaksyon mula sa publiko lalo na sa mga kritiko ng adminitrasyong Duterte at pati na rin sa mga taga oposisyon.

Ayon sa mga kritiko, isa umano itong pagsasayang ng pera dahil imbis na ipangbili ng bigas at makakain para sa mahirap ay mas pinili pa nila gastuhin ang pera sa white sand.

Isa na nga jan si Buhay-partylist Representative Lito Atienza na kung saan binanatan rin nito ang naturang proyekto na isinasagawa sa Manila Bay.

Sa naging panayam sa kanya, isa umanong pag aaksaya ng pera at walang ka kwenta kwenta ang ginagawa sa Manila Bay.

“A complete waste of public funds on a worthless project,” ayon pa kay Atienza.

Ayon pa kay Atienza, masasayang lamang umano ang binubuhos na white sand sa Manila Bay dahil isang malakas na bagyo lamang umano ang tatangay sa mga white sand na inilalagay ng DENR.

Sinabi pa ni Atienza na kahit anong pagpapaganda umano ang gagawin nila sa Manila Bay hindi umano nila malilinis ang napakaruming tubig sa nasabing dagat.

“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically d3ad – because its waters have been overwhelmed by f3cal coliform” saad pa ni Atienza.

“Anybody who swims in the bay’s heavily contaminated waters risks exposure to waterborne pathogenic dis3ases, including viral and bacterial gastroenteritis, hepatitis A, dysentery, typhoid fever and all sorts of infections,” dagdag pa nito.


Source: News Clicks

Post a Comment

0 Comments