Libreng Sayote, Handog ng Isang Jeepney Driver sa Kanyang mga Pasahero


Libreng ipinamamahagi ng jeepney driver na si Ren-ren Jazarino sa Barangay Irisan sa Baguio ang malalaking sayote na ito na nasa kanyang jeep.

Ang nakakatuwang gawain na ito ay ibinahagi sa social media ng netizen na si Jazee Jaz. Dito, nagbahagi pa ito ng larawan ng naturang mga sayote kung saan mayroong nakakabit na papel at may nakasulat na ‘Free Sayote’.

Ayon sa naturang netizen, natutuwa umano ito na makakita ng isang taong nagpapamalas ng kabutihan. Ani nito, kaysa nga naman daw mabulok lamang ang naturang mga gulay, mas maigi na ipamigay na lamang ito sa iba.

“Share lang kasi nakakatuwang tignan na may taong may mabubuting loob. Kaysa naman sa masira ‘yan, ang tanging paraan para maipamigay sa kapwa,” saad pa dito ng naturang netizen.


















Ayon naman sa jepney driver na si Jazarino, ang naturang mga sayote ay galing umano sa mga itinanim ng kanyang mga magulang nang bisitahin siya ng mga ito kamakailan lang noong buwan ng Mayo.

Ngunit, nang handa na umano sanang i-harvest ang naturang mga sayote, bumalik na umano sa Tarlac ang kanyang mga magulang kaya wala nang gaanong makikinabang pa sa mga ito.

Dahil dito kaya naisipan ni Jazarino na ipamahagi na lamang ang naturang mga sayote sa mga nangangailangan at may gusto nito habang siya’y namamasada.

“Sayang naman po 'yung mga bunga ng sayote kaya ipamimigay ko na lang po kaysa masayang,” ani pa ni Jazarino.


Agad naman na naging trending ang Facebook post ng naturang netizen tungkol sa libreng sayote na ito ni Jazarino kung saan, umani ito ng kabi-kabilang mga papuri.

Gaya ni Jazee Jaz, natutuwa rin umano ang mga ito makakita at malaman na mayroon pa ring mabubuting mga tao sa lipunan. Kaysa nga raw sa itapon na lamang ang mga ito kapag nabulok o nasira na, mas magandang ipamigay na lamang ito ng libre.


Bukod sa nakakatulong umano sa kapwa, hindi pa umano masasayang ang naturang mga gulay.

Kaya naman, tumanggap ng maraming mga papuri at positibong komento si Jazarino dahil sa kabutihang loob nito na mamahagi na lamang ng libreng mga sayote. Maliit na bagay man umano ito para sa iba, malaking tulong naman umano ito lalo na sa mga nangangailangan at gustong makatipid.

Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol dito:

“Galing naman. Dapat ganyan ang gawin sa mga sobrang gulay kesa itapon para mapakinabangan ng iba.”


“Much better ‘yung ganyan. Sana pare-parehas nalang mind set ng mga tao… ‘yung makakaisip ng mabuti para sa iba hindi ‘yung pansarili lang. Iba kasi tinatapon nalang at sayang talaga. Nakakalungkot lang makita at isipin na ganun. God bless you po!

“Yung ganitong simpleng balita pero nakakataba ng puso. God bless you Manong Driver!”

“Sana all ganyan ang iba na pinaminigay kesa mabulok lang. Sayang lang nakatulong sana sila sa ibang tao. Pagpalain siya ng Maykapal sa kabutihan nya.”

“Maliit na bagay pero malaking tulong sa hapag kainan ng pamilya. Good job po, Manong!”

Source: facebook
Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments