Iniimbestigahan na ngayon ng mga pulis at awtoridad sa bansang Italya ang pagkamatay ng isang 10 taong gulang na batang babae matapos umano nitong sumali sa ‘Blackout Challenge’ ng popular na video-sharing network na TikTok.
Ayon sa ulat, natagpuan na lamang umano ang biktima sa loob ng kanilang banyo hawak ang cellphone nito ng limang taong gulang lamang nitong kapatid. Tuluyan naman tong pumanaw sa Palermo Hospital sa siyudad ng Sicily.
Umamin umano ng kapatid nitong babae sa kanilang mga magulang na ang biktima ay naglalaro ng ‘Blackout Challenge’ sa TikTok. Popular ngayon ng challenge na ito na tinatawag ding ‘scarfing’ o ‘choking challenge’.
“We didn’t know anything…
“We didn’t know she was participating in this game. We knew that (our daughter) went on TikTok for dances, to look at videos. How could I imagine this atrocity?
“TikTok was her world. And YouTube. That's how she spent her time,” pahayag pa nga ng ama ng biktima na si Angelo Sicomero.
Sa naturang challenge, habang nire-record ang sarili ay mayroon umanong itinatali ang mga ito sa kanilang leeg na nagdudulot ng kakulangan ng oxygen sa utak at nagreresulta naman sa pagka-high.
Napakadelikado ng naturang challenge na kadalasan ay nilalahukan ng mga kabataan kaya naglabas ng babala tungkol dito ang mga eksperto. Ngunit, dahil nga sa pagpanaw ng naturang 10 taong gulang na batang babae matapos na umano’y sumali sa naturang TikTok Challenge, ipinatupad ng Italya ang ‘immediate temporary block’ sa TikTok ng mga gumagamit nito na hindi matiyak ang edad.
Ayon sa inihayag na terms and conditions ng video-sharing network na pagmamay-ari ng ByteDance, isang Chinese company, hindi pinahihintulutang gumamit ng TikTok ang mga batang edad 13 pababa.
Bagama’t sinabi ng TikTok na makikipagtulungan umano ito sa ginagawang imbestigasyon sa pagpanaw ng bata, ayon sa Italian Data Protection Authority ay tuluyan daw nilang iba-block ang TikTok sa bansa kung hindi nila maibibigay ang hinihingi ng mga regulator sa ika-15 ng Pebrero.
“While waiting to receive a response, the authority decided to take action to ensure the immediate protection of minors in Italy registered on the network,” ayon pa nga sa mga awtoridad.
Kinondena ng mga ito ang umano’y kawalan ng proteksyon ng TikTok sa mga menor de edad na gumagamit ng application at ang madaling pagkaka-sign up ng mga bata rito sa kabila ng kanilang inilahad na ‘terms and conditions’. Noon lamang Disyembre, nagsampa nga ng kaso tungkol dito ang data protection agency ng Italya.
Ayon naman sa tagapagsalita ng TikTok, wala umano silang nakikitang dahilan para maengganyo ang biktima na sumali sa naturang delikadong challenge. Ani pa nga ng spokesperson nito,
“The safety of the TikTok community is our absolute priority, for this motive we do not allow any content that encourages, promotes or glorifies behavior that could be dangerous.”
Ang app na TikTok ay isa sa pinakapopular at pinakaginagamit ngayong app sa social media lalong lalo na sa mga kabataan sa iba’t-ibang bansa. Nagsimula itong makilala noon pang 2018 ngunit, mas naging popular pa ito lalo na noong nakaraang taon.
Source: INQUIRER
Source: Kiat Media
0 Comments