Sa darating na Martes, ika-2 ng Pebrero, obligado na umano ang paggamit o paglalagay ng car seat sa mga pribadong sasakyan para sa mga batang edad 12 pababa at mga batang 4’11 pababa ang tangkad.
Ang tungkol sa batas na ito naman ang naging paksa ng usapan nina Amy Perez at Land Transportation Office (LTO) Director Atty. Clarence Guinto nito lamang unang araw ng Pebrero sa programang ‘Sakto’ sa TeleRadyo ni Tyang Amy.
Dito, naitanong ni Tyang Amy kay Atty. Guinto ang isang tanong na siya ring pinag-uusapan ng maraming mga netizen tungkol sa pagpapatupad ng nasabing obligasyon. Ayon kay Tyang Amy, papaano naman umano ang mga batang 12 taong gulang pa lamang ngunit matatangkad na dahil imbes na mas maging ligats ay mukhang mas delikado pa umano para sa mga ito ang paggamit ng car seat.
“Kung ang 12 years old po ninyo ay sobrang tangkad at siya po ay lalagyan ng booster [car seat], so aangat po yun, Director…
“Tatama ang ulo sa kotse. Hindi po ba mas delikado yun kapag nagkaroon po tayo ng aksidente?” tanong pa rito ni Tyang Amy sabay mwestra ng kanyang ibig sabihin.
Sinagot naman ni Atty Guinto ang tanong na ito ni Tyang Amy ngunit, hindi makapaniwala ang mga netizen sa sagot ng direktor. Dito, bagama’t sumang-ayon si Atty. Guinto sa ibig sabihin ni Tyang Amy ay iminungkahi nito rito na bumili na lamang daw ng mas malaking sasakyan.
“Tama po yun… Siguro po, Ma’am Amy, laki-lakihan mo yung sasakyan mo,” ani pa rito ni Atty Guinto na kalaunan ay natawa na lamang sa naging reaksyon ni Tyang Amy sa sagot niyang ito.
“Ay, wala po akong ganun…Ang pinag-uusapan po natin dito, Director Guinto, ay yung karamihan po sa ating mga Kapamilya… Kailangan din po natin i-consider din po yun,” ang reaksyon naman dito ni Tyang Amy.
Ayon naman ulit kay Atty. Guinto tungkol dito, “Oo… Hayaan mo… at we will take note of that.”
Agad naman na naging trending sa Twitter ang video clip ng panayam na ito ni Tyang Amy kay Atty. Guinto kung saan, kagaya ng mamamahayag ay hindi rin makapaniwala ang mga ito sa isinaad ng LTO Director. Marami sa mga ito ang pinuri si Tyang Amy dahil sa maayos umano nito na pagkakasagot sa inihayag ni Atty Guinto.
Samantala, marami naman sa mga netizen ang hindi napigilang kondenahin ang direktor dahil sa sinabi nito. Ani pa nga ng ilang mga netizen, sana raw ay pinag-aralan munang mabuti ng mga ito ang naturang batas bago ipatupad.
Dahil naman sa naging reaksyon na ito ng mga netizen ay naglabas ng pahayag si Atty. Guinto at humingi ng paumanhin dahil nagdulot umano ng kalituhan ang kanyang sinabi. Ani nito rito,
“I am sorry for the confusion I have caused with my remark, which was made in jest. I realize now that it was inappropriate. To clarify, if the child is above 4’11”, the child is exempted from using a child car seat under the law and may be secured using the regular seat belt.”
Source: Kiat Media
0 Comments